Miss PH Samantha Bernardo lumafang ng bulate sa Thailand; mga kapwa beauty queen na-shock Bandera

Miss PH Samantha Bernardo lumafang ng bulate sa Thailand; mga kapwa beauty queen na-shock

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Miss PH Samantha Bernardo lumafang ng bulate sa Thailand; mga kapwa beauty queen na-shock

Ervin Santiago | April 08,2021 - 02:41 PM

HINDI pa rin makabalik ng Pilipinas ang Filipina beauty queen na si Samantha Bernardo dahil sa ipinatutupad na travel restrictions sa Thailand.

Nasa Bangkok pa rin ang dalaga hanggang ngayon kasama ang iba pang kandidata ng Miss Grand International pageant na ginanap nga sa Thailand noong March 27.

Si Samantha ang itinanghal na first runner up sa nasabing international beauty pageant habang si Miss USA Abena Appiah ang nakakuha ng titulo at korona.

At habang naroon sa Bangkok, makikita sa mga social media photos ni Samantha ang ilang mga kaganapan sa buhay ng mga Grand International beauties kabilang na ang ilang special events na dinaluhan nila nitong mga nakaraang araw.

May mga litrato at video rin na ipinost ang dalaga na kuha sa mga binisita nilang mga tourist spots sa Bangkok, Thailand.

Dito, kumasa sa challenge ang mga kandidata sa pagtikim ng iba’t ibang pagkain kabilang na riyan ang mga exotic food tulad ng mga insekto at bulate.

In fairness, talagang matapang na tinanggap ni Samantha ang hamon at hindi inurungan ang pagkain ng bulate.

Shocked ang mga kasamahan niyang mga beauty queen nang makitang enjoy na enjoy ang dalaga sa pagpapak ng bulate.

Wala pang balita kung kailan talaga makakauwi sa Pilipinas si Miss Philippines dahil nga sa travel restrictions sa Thailand.

Siguradong miss na miss na ni Samantha ang pamilya, mga kaibigan pati na ang mga tagasuporta niya na naghihintay na sa pagbabalik niya sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending