Rhian, road manager magkasamang nilabanan ang COVID: Nagsimula lang sa lagnat... Bandera

Rhian, road manager magkasamang nilabanan ang COVID: Nagsimula lang sa lagnat…

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Rhian, road manager magkasamang nilabanan ang COVID: Nagsimula lang sa lagnat…

Ervin Santiago | April 08,2021 - 09:20 AM

 

SA kabila ng pagsunod sa lahat ng safety at health protocols na ipinatutupad ng gobyerno, nahawa pa rin ng COVID-19 ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Hindi nakaligtas sa killer virus ang dalaga kahit na dobleng pag-iingat na ang kanyang ginagawa para mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan.

Ibinahagi ng aktres ang naging journey niya sa paglaban sa COVID pati na ng kanyang road manager na si Rach Librado na kasabay din niyang tinamaan ng nakamamatay na sakit.

“It started with a fever. We isolated for a few days but found out we were both positive. Started feeling better day four to six,” ang bahagi ng pahayag ni Rhian sa kanyang Instagram post kahapon.

Ayon sa dalaga, hindi nila iniwan ni Rach ang isa’t isa at magkasamang nilabanan ang virus sa pamamagitan ng tamang diet, exercise, positibong pananaw sa gitna ng pagsubok at pananalig sa Diyos.

Pahayag pa ng aktres, may mga araw daw na okay ang kanilang pakiramdam ngunit meron ding pagkakataon na nagkakaroon sila ng anxiety attacks.

“The past few weeks have been harrowing at times, but I’m not really here to scare anyone, just sharing how grateful I am for life, health, love, and friendship,” pahayag ng aktres.

“Can I just say though? The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the covid battle, stay motivated my friend.

“Keep your morale up. When you see your first negative result, you’ll be overcome with relief and that feeling you’ve been dreaming of, where for 5 minutes there’s finally no fear. God bless our countrymen and God bless our health workers,” mensahe pa ng Kapuso star.

Huling sumabak sa lock-in taping si Rhian ilang buwan na ang nakararaan para sa Kapuso series na “Love Of My Life” na natapos na kamakailan. Nakasama niya sa serye sina Carla Abellana, Mikael Daez at Coney Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending