Erap ‘pinatay’ sa socmed, pamilya Estrada umalma: Fake news!
HABANG ginugunita ngayong araw ng buong mundo ang Linggo ng Pagkabuhay, kumalat naman ang pekeng balita na pumanaw na raw ang dating Pangulong si Joseph Estrada.
Agad naman itong pinabulaanan ng kanyang anak na si former Sen. Jinggoy Estrada kasabay ng panawagan sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga balitang lumalabas sa social media.
Sa kanyang Facebook account ngayong araw, ipinagdiinan ni Jinggoy na walang katotohanan ang balitang namatay na ang dating pangulo at dating mayor ng Maynila.
“There are reports circulating on FB that my father has passed away. This is NOT true.”
Ipinost din ng actor-politician ang mensaheng ito sa official FB page ni Erap kung saan binanggit ngang nasa stable condition na ngayon si Erap at naka-confine pa rin sa ospital.
“Wag po tayong maniniwala sa mga maling balita. Totoo pong hanggang ngayon ay nasa ospital pa si Mayor Erap dahil sa Covid-19 pero nasa stable condition po siya.
“Gayunpaman humihingi pa rin po ng dasal ang pamilyang Ejercito-Estrada para sa tuluyang niyang paggaling.
“Maraming salamat po. Stay safe everyone! God bless!” ang nakasaad pa sa FB post.
Samantala, nag-post din sa Twitter ang isa pang anak ni Erap na si dating Sen. JV Ejercito hinggil sa kumalat na fake news sa socmed.
“The news circulating about my dad is not true.
“He is still in the hospital recuperating. Whoever is behind this fake news is so unchristian.
“You do not wish bad things to anyone, no matter of you don’t like the person,” aniya pa.
Isinugod sa ospital noong nakaraang linggo si Erap matapos magpositibo sa COVID-19. Sa pamamagitan ng isang video, sinabi ng dating presidente na bumubuti na ang kanyang kundisyon.
“Maraming salamat sa inyong mga dasal at ako ay nasa maayos na kalagayan. Wag kayong mag-alala, malakas ako, kayo ay mag-ingat din. Kayo ay stay healthy rin,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.