Angel nagsalita na rin sa tumitinding anti-Asian violence: Hate is a virus…
NAGSALITA na rin ang Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pananakit at pang-aalipusta sa mga may lahing Filipino at iba pang mga taga-Asia.
Isang matapang na “Hate is a virus” ang ibinandera ng aktres na nakasulat sa suot niyang face mask bilang pagkondena sa patuloy na pagdami ng anti-Asian racism at hate crimes.
Ipinost ni Angel sa Instagram ang litrato niyang naka-face mask at nilagyan ng caption na, “To my fellow Filipinos and to everyone of Asian descent who are experiencing cowardly attacks and racial slurs.
“I may not be the one experiencing this, but I stand with you,” simulang pagtatanggol ng aktres sa ating mga kababayan.
Patuloy pa niyang pahayag, “Anti-Asian racism or any acts of hate against a human being is like a virus that can easily spread anywhere if not stopped.
“So, no matter how frightening, stand and speak up against this pointless hatred—instead of shrugging it off—because this will not go away on its own. Let’s help each other,” dagdag pa ni Angel.
Siguradong galit na galit din ang fiancée ng film producer na si Neil Arce nang mabalitaan niya ang pag-atake ng isang Amerikano sa 65-year-old Filipino-American woman sa Times Square, New York, USA.
Isa lamang ito sa dumaraming kaso ng karahasan laban sa mga Asian sa nasabing bansa kaya talagang nakaaalarma na ang mga ganitong kaganapan.
Patuloy pang mensahe ni Angel hinggil sa lumalalang isyung ito sa Amerika, “To the many Filipinos living abroad in the hopes of providing a better future for their loved ones, please stay safe.
“Look out for each other, maybe try to learn self defense, report to proper authorities. Fighting hate with hate and violence will never stop this vicious cycle,” paalala pa ng award-winning Kapamilya actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.