Mga pambatang e-books ibinigay ng CANVAS sa Globe eLibrary

Mga pambatang e-books ibinigay ng CANVAS sa Globe eLibrary

INQUIRER.net BrandRoom |March 31,2021
facebook
share this

Mga pambatang e-books ibinigay ng CANVAS sa Globe eLibrary

INQUIRER.net BrandRoom - March 31, 2021 - 09:00 AM

Globe CANVAS

Mga kuwento ng literatura at kultura na angkop sa kabataan ang mga e-books na ibinahagi ng Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS) sa Globe eLibrary para matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral ng mga batang apektado ng pandemya. 

Layunin ng Globe at ng CANVAS na maitaguyod ang pagbasa ng mga bata, matuklasan nila ang pambansang pagkakakilanlan, at tulungan silang magkaroon ng pagpapahalaga sa sining, kultura at kalikasan ng Pilipinas. Kaya nakikipagtulungan ang dalawa para maparami ang mga lokal na pambatang electronic books (e-books) sa Globe eLibrary na maaaring magamit ng mga mag-aaral at guro.

Globe Canvas

Nagbigay na ang CANVAS ng 13 mga e-books sa Globe eLibrary tulad ng Nadia and the Blue Stars ni Francesca Nicole Chan Torres at likhang sining ni Liv Vinluan, na tungkol sa pagmamahal ni Nadia sa mga bulaklak at sa kanyang pakikibaka na pangalagaan sila sa gitna ng digmaan; at Karapat-Dapat: Bata, Alamin ang Inyong mga Karapatan ng Ang Ink na sumisiyasat sa mga karapatan ng mga bata.

Globe Canvas

Ang iba pang mga pamagat ng eBooks ay ang Inang Kalikasan ni Recle Vibal, Aklatang Pusa ni Eugene Evasco, Ang Batang Maraming Bawal ni Fernando Rosal Gonzales, Tahan na Tahanan ni Maria Isabel Alarilla-Arellano, Message in the Sand ni Charmaine Aserappa, A Fish Tale and The Rocking Horse ni Becky Bravo, Si Pontang at ang Lihim ng Kuweba ni Melvin B. Atole, Mga Munting Patak ng Ulan ni Jessica Olmedo, Si Lupito at ang Barrio Sirkero ni Rowald Almazar, at Ang Anghel ng Sta. Ana ni Josephine de Dios.

Globe Canvas

“Lubhang kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro ang access sa mas maraming mga resource materials. Ito ang dahilan kung bakit palagi kaming naghahanap ng mga organisasyon na makakatulong para mas mapalawak pa ang nilalaman ng Globe eLibrary,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP para sa Corporate Communications.

Globe Canvas

“Mula sa isang binhi, isang buong kagubatan. Mula sa isang kwento, isang henerasyon ng mga mambabasa. Umaasa kami sa posibilidad na ang isa sa mga librong inilathala namin, ang isa sa mga likhang sining na ipinapakita namin, o isa sa mga ideya na ibinabahagi namin, ay mag-uudyok ng imahinasyon ng isang bata para baguhin ang mundo sa ikabubuti nito,” sabi ni Gigo Alampay, tagapagtatag at executive director ng CANVAS.

Globe canvas

Nagpaglathala na ang CANVAS ng mga librong pambata sa pamamagitan ng Romeo Forbes Children’s Story Writing Competition at nagbibigay din sila ng mga libro sa mga mahihirap na pamayanan sa pamamagitan ng One Million Books for One Million Filipino Children Campaign. 

Samantala, ang Globe eLibrary ay isang website at mobile application na nagbibigay sa mga mag-aaral at guro ng libreng pag-access sa daan-daang pang-internasyonal at lokal na mga eBook at mga e-Learner video ukol sa iba’t ibang mga paksa.  Ang mga ito ay maaaring mabasa o mapanood online at i-download. Ito ay isa sa mga bahagi ng Global Filipino Schools, isang programa sa edukasyon ng Globe na naglalayon na gawing sentro ng information and Communication Technology (ICT) at ng kahusayan sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo ang mga pampublikong paaralan.

Sa hakbangin na ito, binibigyang diin ng Globe ang suporta para sa United Nations Sustainable Development Goal no. 4 tungkol sa “Kalidad na Edukasyon.” Ang Globe ay kaisa ng UN sa pagtatrabaho para sa inclusive, pantay at kalidad na edukasyon para sa lahat.

Para malaman ang higit pang mga bagay tungkol sa eLibrary, bisitahin ang https://globeelibrary.ph/

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending