Pulse Asia: 6 sa bawat 10 Pinoy ayaw magpabakuna laban sa Covid-19 | Bandera

Pulse Asia: 6 sa bawat 10 Pinoy ayaw magpabakuna laban sa Covid-19

- March 27, 2021 - 02:53 PM

Bago ikasa ang vaccine rollout sa bansa, 61 porsiyento ng mga Pilipino ang may pag-aalala pa rin sa Covid-19 vaccines.

Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia na may 2,400 respondents sa buong bansa at isinagawa noong Pebrero 26 hanggang Marso 3.

Ang tanong sa survey,” If there is already a vaccine against Covid-19, will you get vaccinated or not?”

Nabatid na 23 porsiyento ng Filipino adults ang nagsabi na hindi pa sila sigurado kung sila ay magpapabakuna, samantalang 16 ang sumagot na handa silang magpaturok ng Covid-19 vaccine.

Lumabas din sa survey na 84 porsiyento ng mga nagsabing hindi sila magpapabakuna at 74 porsiyento ang iniisip pa kung sila ay magpapaturok ang nagdahilan na hindi sila nakakasiguro sa bakuna.

“This is the majority opinion across areas and classes among those against vaccination (80 percent to 90 percent) and 82 percent to 86 percent, respectively,” ayon sa Pulse Asia.

Marami din sa mga wala pang desisyon ay kabilang sa itinuturing na masa, na prayoridad sa programa.

Samantala, karamihan naman sa Classes ABC ay kinukuwestiyon ang pagiging epektibo ng bakuna laban sa Covid-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending