Joyce 'obsessed' sa kanyang baby bump; Andrea nagselos nga ba sa bagong dyowa ng ex-BF? | Bandera

Joyce ‘obsessed’ sa kanyang baby bump; Andrea nagselos nga ba sa bagong dyowa ng ex-BF?

Ervin Santiago |March 26,2021
facebook
share this

Joyce ‘obsessed’ sa kanyang baby bump; Andrea nagselos nga ba sa bagong dyowa ng ex-BF?

Ervin Santiago - March 26, 2021 - 09:23 AM

NAKARAMDAM nga ba ng selos si Andrea Torres ngayong may iba nang mahal ang kanyang ex-boyfriend?

Isa lang ‘yan sa mga intrigang sasagutin ng Kapuso sexy actress sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ngayong Linggo ng gabi, March 28, sa GMA 7.

Diretsahan ding ibabandera ni Andrea kung totoong naka-move on na siya sa minalas niyang lovelife? Ano ang reaksyon ng dalaga nang malamang may bago nang lovelife ang dati niyang boyfriend?

Totoo nga bang nakaramdam siya ng selos nang malamang may iba na ang kanyang ex? Ilan lang ‘yan sa controversial questions nina Boobay at Tekla para kay Andrea sa pagsalang niya sa “May Pa-PressCon” ng “TBATS.”

Maliban sa kanyang past relationship, hindi rin makakaiwas si Andrea sa pagsagot tungkol sa muling panliligaw ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona at ng isa pang male celebrity na nagpakita ng interes ngayong single na ulit siya.

Matapos ma-hot seat, si Andrea rin ang sasalang sa “Roleta ng Kadramahan” kung saan magpapakitang-gilas siya sa kanyang pag-arte at husay sa improvisational comedy. Makakasama niya rin dito ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

Ang fun-tastic duo at The Mema Squad din ang maglalaro sa segment na “Sipsipan Na” kung saan ang parusa sa losing team ay pag-inom ng isang mystery drink

Tuloy-tuloy pa rin ang laugh trip kahit may krisis. Tutok na sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

* * *

Hindi na makapaghintay ang celebrity couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring sa paglabas ng kanilang panganay na anak ngayong taon.

Aminado si Joyce na sobrang “obsessed” siya ngayon sa kanyang baby bump kaya naman dedma lang siya sa lahat ng nararanasan niyang hirap habang papalapit na ang araw ng panganganak niya.

“Getting super obsessed with my baby bump even though it’s been messing with my center of gravity, making the balls of my feet ache, and my back hurt — all the time. still can’t believe I’m gonna be a mama,” ang caption ng TV host sa latest photo niya sa Instagram.

Aniya pa, ”Still curious what I’ll be like – cool, fun, mama? strict mama? disciplinarian mama? teacher mama? funny mama? all of the above mama?!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula na ring mag-countdown sina Joyce at Juancho sa nalalapit na pagsilang kanilang first baby sa  darating na July.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending