Target ni Tulfo, Mon Tulfo
IPINAHAYAG ni First Gentleman Mike Arroyo na personal niyang ikakampanya si Pangulong Gloria para kongresista sa second district ng Pampanga.
Pero hindi na niya magagawa ang kanyang balak na ikakampanya niya ang kanyang mahal na mahal na esposa.
As this column was being written (Thursday, Jan. 25), napaulat na si Mike, na kilala sa initials na FG, ay dinala sa St. Luke’s Hospital sa Fort Bonifacio dahil inatake siya sa puso.
Batikan ang mga doktor sa St. Luke’s, lalo na sa bago nitong branch sa Fort, at mapapagaling nila si FG.
Ipagdarasal ko ang paggaling ng aking dating close friend.
* * *
Kahit na ano pa man ang namagitan sa amin, kinalimutan ko na ang lahat.
All is fair in love and war, ‘ika nga.
Everything is forgiven and forgotten.
At siyempre, nagkasala rin ako sa kanya sa mga maanghang na salita na naisulat ko at nasabi, at humihingi ako ng kapatawaran sa aking kasalanan sa kanya.
* * *
Sana ay pinaniwalaan nina FG at Pangulong Gloria ang aking sinabi sa column na ito at sa aking column sa INQUIRER.
Sinabi ko na may pangitain ako na hindi maganda sa kanya.
Ito’y matapos siyang makaligtas sa maselan na surgery sa puso three years ago noong unang atake niya sa puso.
Nakita ko rin sa aking pangitain ang una niyang atake sa puso.
Ewan ko, pero kung minsan ay lumalabas na lang ang pangitain na hindi ko kagustuhan.
At kapag naisulat ko o naisabi ko ang isang pangitain, may posibilidad na ito’y nagkakatotoo.
Naisulat ko ang aking pangitain bago ang unang atake; ganoon din ang pangitain ko bago ang pangalawang atake noong Huwebes.
Sinabi ko pa nga ito kay Mike Defensor, na dating Palace chief of staff, upang iparating sa Pangulo at kay FG.
Sinabi ko kasi na dapat ay magbakasyon ng matagal si FG at lumabas ng bansa upang maiwasan ang masyadong tension bunga ng mga batikos sa kanilang mag-asawa.
Ibinigay ko ang aking unsolicited advice from the bottom of my heart, at hindi sa ano pa man.
* * *
May natutunan ako sa New Thought movement na kung ano ang hangad mo sa iyong kapwa ay babalik at babalik sa iyo.
Kung mabuti ang hangad mo sa iyong kapwa, gaya ng malusog na pangangatawan o kayamanan, yan din ang mangyayari sa iyo.
At kung masama ang hangad mo sa iyong kaaway, gaya ng “bakit di ka pa mamatay?,” hahanap ng paraan ang Sanlibutan (Universe) upang madama mo ang hangad mo sa iyong kapwa.
We are all connected.
Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay para na rin ginawa mo sa iyong sarili.
That is something to meditate or ponder upon– o dapat pag-isipan– sa Semana Santa.
* * *
At ito pa ang dapat nating pag-isipan sa ating pagmumuni-muni sa Holy Week: Magkasalungat ang sinasabi ng Western religion, gaya ng Kristiyanismo, na mapagpatawad ang Diyos, pero sinasabi rin nito na mapagparusa ang Diyos.
Kung ang Diyos ay lubhang mapagpatawad (all-forgiving), bakit Siya nagpaparusa dahil tayo’y nagkasala?
Bakit itinuturo ng Kristiyanismo na ibabagsak ang isang kaluluwa sa Impiyerno dahil ang katawang-lupa nito ay makasalanan?
Bakit itinutulad ng Western religion ang Diyos sa tao na mapagtanim ng sama ng loob?
Sino ba ang tao na walang kasalanan?
Kung mapagparusa ang Diyos, eh di lahat tayo ay pupunta sa Impiyerno. Walang makakaligtas.
Bandera, 032610
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.