37 lugar sa Pasig, isinailalim sa dalawang linggong granular lockdown
Isinailalim ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang 37 lugar sa lungsod sa granular lockdown.
Kasunod pa rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19, sinabi ng alkalde na inirekomenda ang hakbang na ito ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CHD-CESU).
Narito ang mga lugar na nasa granular lockdown:
Bagong Ilog:
– Tatco St.
– Flores St.
– Santiago St.
– Bagong Katipunan
– Asedillo St.
Bambang:
– F. Castillo St.
– Pio Alvarez St.
Caniogan:
– Col. P. Licsi St.
– Rose St., Villa Upeng
– Tatlong Bayani St.
Dela Paz:
– Poinsettia St., Sonia Subdivision
– Karangyaan St., Ph 2A, Karangalan Village
Kapitolyo:
– Sta. Teresita St.
Manggahan:
– Ampalaya St., Napico
Maybunga:
– 158 Westbank Road, Floodway
– 405 Dr. Sixto Antonio Avenue
Oranbo:
– 204 Hillcrest Circle
Palatiw:
– M.H. Del Pilar St.
Pinagbuhatan:
– 2024 Salandanan St.
– 013 Willa Rey Village
– Blk. 23 Kenneth, Eusebio Ave., Nagpayong
– Ph2 Blk. 4, Ilugin
– M.H. Del Pilar St.
Rosario:
– 28 C Ortigas Ave., Ext.
– ROTC St.
– Bernal St.
– 130 Dr. Sixto Antonio Ave.
– 6 Emerald St., Doña Juana
San Joaquin:
– Villa Hernandez St.
– Villa Tupaz
San Miguel:
– Dr. Pilapil
San Nicolas:
– 33 F. Cruz St.
Sta. Cruz:
– Kap Ato St.
Sta. Lucia:
– 1050155 Ave., Soldier’s Village
– 54 Rosario Village
– Blk 1 Lot 5, Tamarind Rd, Summerfield, De Castro
Sumilang:
– Jabson 2
Ugong:
– C. Santos St.
Paglilinaw ng alkalde, ang granular lockdown ay hindi kapareho ng enhanced community quarantine.
Bawal aniyang lumabas ng bahay at tanging papayagan lamang ang mga papuntang trabaho (Authorized Persons Outside Residence) o kung mayroong emergency.
Sa kasagsagan nito, magiging mas mahigpit ang mga barangay at pulis at bawal ang mga bisita.
Ani Sotto, epektibo ang granular lockdown mula March 19, 2021 hanggang April 1, 2021, ngunit depende pa rin ito sa obserbasyon o abiso ng CESU.
Sisimulan ang istriktong implementasyon ng granular lockdown sa araw ng Sabado, March 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.