Ken Anderson hindi totoong umaasa lang kay Gerald, nagtatrabaho bilang drone pilot | Bandera

Ken Anderson hindi totoong umaasa lang kay Gerald, nagtatrabaho bilang drone pilot

Reggee Bonoan |March 17,2021
facebook
share this

Ken Anderson hindi totoong umaasa lang kay Gerald, nagtatrabaho bilang drone pilot

Reggee Bonoan - March 17, 2021 - 05:05 PM

KUNG inaakala ng ilan na totally umaasa lang ang nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na si Ken sa kanya ay nagkakamali kayo.

Hindi naman pala ito totoo dahil may mga tanggap naman pala siyang proyekto bilang drone pilot.

Tulad na lang sa BL o Boys’ Love series na pinagbibidahan nina Alex Diaz at Yasser Marta na “Fairy Tail Romance” sa GMA, kinomisyon dito si Ken bilang drone pilot sa mga eksenang nasa dagat ng Batangas ang mga bida.

Sa Ken Anderson YouTube channel ng kapatid ni Gerald ay nagkuwento ito tungkol sa nasabing serye, “Got hired by GMA as a drone pilot for a new tv show!?! (Mavic Mini).”

Base sa kuwento ni Ken ay alas-dos ng madaling araw sila umalis ng Manila patungong Batangas at 7 a.m. naman ay dumating na sila sa location sa tabing dagat.

Naroon na ang buong production team sa panguguna ni Direk Adolf Alix, Jr. at ang dalawang bidang sina Alex at Yasser.

Ang sabi ni direk Adolf kay Ken ay habang naglalakad sa dagat na kasama ang bangka ay dapat katapat nito ang drone na ginawa naman ng binata at approved kaagad sa direktor ang kanyang kuha.

Inabot ng tatlong araw ang taping ni Ken at nagkaroon pa siya ng aksidente, “While we were shooting the underwater scenes, I got hit by jellyfish pero okay naman, the medic is coming to check on me but I think I’m doing good.”

Binigyan naman kaagad ng first aid si Ken at okay naman na siya at back to work na siya kinabukasan.

Magaganda ang kuha ni Ken at mapapanood ito sa kanyang YT channel at sabi nga niya, “As a kid I was always fascinated by anything that flies! I have a big love for drones, so when my good friend who is a director for GMA called asking if I could get drone shots for his new TV show, I grabbed the opportunity without any hesitation!”

At may disclaimer din si Ken, “All copy right free tunes byhttps://share.epidemicsound.com/zLFHh​…​ WARNING: Please don’t download this video and re-upload to your own channel, or fb accounts. Thank you.”

                           * * *

Nag-trending ang eksenang ngudnguran sa cake sa teleseryeng “Paano Ang Pangako” na napapanood sa TV5. Umabot na ito sa 1.1 million views nang i-post sa Facebook page ng IdeaFirst Company.

Ito ay isang pasilip sa eksenang patutsadahan at sampalan nina Hope Aguinaldo na ginagampanan ni Beauty Gonzalez at Karel Marquez sa karakter na Karen Dominante-Cruz. Superb din ang torn-between-two-lovers na acting ni Ejay Falcon sa scene na ito.

Mapapanood ang kanilang napaka-classy yet intense na paghaharap. Kumakalat ang mga video galing sa “Paano Ang Pangako?” kasabay ng pagtaas ng ratings nito lalo na’t ka-back to back nito ang “FPJ’s Ang Probinsyano” tuwing Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

Marami ang pumupuri sa husay ng mga artista sa show kung saan tampok din sina Maricel Laxa-Pangilinan, Bing Loyzaga, Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Nalalapit na ang season-ender ng show at siguradong mami-miss ito ng viewers at fans. Kung ngayon pa lang ay trending na ang mga eksena, tiyak rin na may matinding pasabog sa ending nito kaya’t dapat talagang abangan at tutukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending