Celebrity couple unti-unti nang nauubos ang naipong yaman dahil sa pandemya | Bandera

Celebrity couple unti-unti nang nauubos ang naipong yaman dahil sa pandemya

Reggee Bonoan |March 16,2021
facebook
share this

Celebrity couple unti-unti nang nauubos ang naipong yaman dahil sa pandemya

Reggee Bonoan - March 16, 2021 - 01:47 PM

MALAKI rin ang kinikita ng isang TV host-singer sa mga sikat na kanta niya dahil sa royalty na ibinabayad sa kanya at karamihan pa rito ay siya mismo ang nagsulat.

Hindi naman maluho si TV host- singer at sa pagkakaalam namin, pati ang asawa niya ay hindi rin naman gastadora kaya masasabing sobra-sobra talaga ang kinikita niya.

Kuwento ng taong malapit sa TV host-singer, “Malaki ang ipon niya, may stocks, pero hindi ‘yun sapat kasi puro palabas last year, di ba? Ilang buwan ‘yung lockdown na totally walang pumapasok, walang work lahat.

“Kahit na hindi naman sila maluho, ‘yung everyday expenses nila, bills, etcetera, tapos siyempre nag-aabot din minsan sa parents, so naubos din,” kuwento ng aming source.

Aniya pa, “Good thing bumalik na ang mga shows, so may work na siya pero hindi sapat kasi 50% ang nabawas sa talent fee which is okay na, kaysa totally wala.

“Sa ngayon, nag-iisip ng business kung anong puwede niyang pasukan kaso sa ngayon mahirap kasi puro food ‘yung malakas, e, ang dami-dami na,” sabi pa sa amin.

Maging ang work ng misis ni TV host-singer ay mahina rin dahil may kinalaman ito sa events na ipinagbabawal naman ngayon ng pamahalaan.

Nabanggit din ng aming source na nag-invest sa isang gasoline company ang TV host singer at aktor, “Pero maliit lang ‘yung interest ng ilang buwan tapos ang laki ng ipinasok niyang pera.”

At least nagsimula nang mag-invest ang TV host-actor kaya may aasahan siyang kita kahit paano, at huwag na niyang kunin ang interest, paikutin na lang muna niya ang pera para mas lumaki ang kikitain niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending