Angel kay Neil: Mahal na mahal kita, ikaw lang ang taong kaya kong makita araw-araw | Bandera

Angel kay Neil: Mahal na mahal kita, ikaw lang ang taong kaya kong makita araw-araw

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 01:42 PM

IBINANDERA muli sa buong universe ng TV host-actress na si Angel Locsin ang abot-langit niyang pagmamahal sa kanyang fiancé na si Neil Arce.

Binati ng Kapamilya star sa pamamagitan ng social media ang future husband niyang film producer ng “happy birthday.”

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angel ang isang cute na cute na TikTok video ni Neil kalakip ang kanyang nakakaaliw at sweet birthday greeting.

“Bago mo ko i-murder for posting this, remind lang kita na mahal na mahal kita at ikaw lang ang taong kaya kong makita araw araw.

“Happy birthday, my TikToker love,” aniya sa caption.

Sa comment section agad namang nag-reply si Neil ng, “Love… I love you too, pero hindi ko pa b-day.”

Hirit naman sa kanya ni Angel, “Sira. Nasa sakin birth certificate mo.”

Reply ni Neil sa kanyang future wife, “Thanks love! Malapit na b-day mo, alam mo naman na babaiwan kita,” na may kasama pang laughing at kissing emoji.

Kilig na kilig naman ang mga fans at IG followers ni Angel sa kulitan ng magdyowa. At iisa lamang ang kanilang wish para sa dalawa, ang matuloy na ang kanilang kasal at mabiyayaan ng mga anak.

In-announce nina Angel at Neil ang kanilang engagement last June, 2019 at nakatakda na sanang magpakasal noong Nov. 8, 2020 ngunit nakansela nga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, siniguro na ng engaged couple na matutuloy na this year ang kasal.

“Tuloy naman siya. Ano lang namin, kailangan lang may mga ayusin. Of course, there’s the threat of the new strain nga, hindi ba? Tapos may mga protocol tayo na dapat sundin para safe po ang lahat. ‘Yon lang ang inaayos,” ang pahayag ni Angel.

“Actually medyo hassle, kasi bago pa lang ang pandemic ay plantsado na lahat. Alam na namin ‘yung gusto namin pareho. Tapos noong nagkaroon ng pandemic, lahat ‘yon kailangan burahin naming lahat,” dagdag pa ng aktres.

Sey naman ni Neil, “Nag-usap din kami ano ba ang gusto nating wedding? Since we’ve been friends for a long time, gusto lang talaga namin ay masaya lang ang lahat ng tao, hindi ‘yung ilang na ilang kang gumalaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko ‘di siya nag-prom, ‘di siya nag-debut, ‘yung mga ganoong bagay. Sana lang ay makuha niya ang wedding na gusto niya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending