Mark enjoy sa pag-aalaga kay Baby Corky: Graveyard shift ako kaya nagsisimula ang araw ko sa gabi | Bandera

Mark enjoy sa pag-aalaga kay Baby Corky: Graveyard shift ako kaya nagsisimula ang araw ko sa gabi

Ervin Santiago - March 12, 2021 - 09:09 AM

“GRAVEYARD shift” ang natoka sa Kapuso actor-dancer na si Mark Herras sa pag-aalaga sa panganay  nila ni Nicole Donesa na si Baby Corky.

Kaya naman aniya, nagsisimula ang araw niya sa gabi para palitan naman ang kanyang fiancée sa whole day na pagiging hands-on mommy ni Nicole.

Ayon kay Mark, mas tumindi pa ang pagmamahal at paghanga niya sa Kapuso actress dahil sa ginawa nitong paghahanda bilang first-time mom.

“I’m very proud. Kumbaga ‘yung pagbubuntis sobrang hirap na experience ‘yun para sa mga mommies, pero kasi si Ico (Nicole) medyo naka-set kami na normal delivery ka, you’re a strong woman, strong mommy ka,” pahayag ni Mark.

Ngunit nanganak nga ang aktres sa pamamagitan ng Caesarian section dahil mas safe nga naman ito para sa kanyang mag-ina.

“At the end of the day, kung ano ang pinaka-safe na gawin namin para masilang si Corky, safe for Corky and safe for Ico, ‘yun ‘yung pinili namin. Na-CS si Ico,” sey ng Kapuso star.

Diin pa niya patungkol sa pagiging nanay ni Nicole, “Napaka-strong na mommy ni Ico. Sobrang lahat inaral niya. Buntis pa lang siya ang dami na niyang binabasa na kung anu-ano sa pagiging mommy.”

Samantala, ibinahagi rin ni Mark sa isang episode ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” ang mga ginagawa niya ngayon bilang tatay ni Baby Corky.

“Nagsisimula po ‘yung araw ko sa gabi, kasi ako po ‘yung graveyard shift. Ako ‘yung nagbabantay sa madaling araw,” natatawang chika ni Daddy Mark.

Aniya, nu’ng una raw natatakot siyang magpalit ng diapers ng anak, “Oo, medyo takot pa ako kasi may pusod pa si Corky. Pero parang kailangan kong ma-overcome ‘yung takot na ‘yun.

“Siyempre kailangan kong ma-experience ‘yung pagpapalit ng diaper ng anak ko siyempre habang bata. Habang nagda-diaper pa siya. Kasi sobrang bilis ng panahon ngayon,” dagdag pa niyang chika.

Patuloy pa ng celebrity dad, “Excited ako kapag buo na ‘yung buong structure niya. Kumbaga matibay na, like ‘yung leeg niya, hindi pa naman kailangan totally nakakalakad pero alam mo ‘yung time na puwede na kaming sumayaw na kahit konting galaw-galaw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang mensahe siya sa mga tulad niyang tatay na laging napupuyat sa pag-aalaga ng baby,  “We need to be patient talaga, ‘yung pagkakaroon ng mahabang pasensya. ‘Yung pagod, ‘yung puyat, kasama po talaga ‘yun sa process. Kasama ‘yun sa pagiging ama.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending