Ai Ai proud nanay sa pagtatapos ng bunsong anak sa kolehiyo: Parang nabigyan uli ako ng Papal award
PROUD na proud na ibinandera ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai delas Alas na graduate na sa kolehiyo ang kanyang babaeng anak na si Sophia Andrea.
Binati ng komedyana ang anak sa bagong blessings at achievement na ito sa kanilang pamilya kasabay ng pasasalamat sa Diyos sa paggabay sa kanya bilang nanay ni Sophia at ng iba pa niyang anak.
Ipinost ng “Owe My Love” actress sa Instagram ang graduation photo ng dalagang anak at nilagyan ng caption na, “Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter ko (Bachelor of Science Major in Early Childhood Education graduate). SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo.
“Nagpapasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak… naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe,” pahayag pa ni Ai Ai.
Ikinumpara rin niya ang kanyang feeling ngayon sa pagtatapos ni Sophia sa naging pakiramdam niya noong pangalanan siya bilang Papal awardee.
“Parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak.
“Bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak.
“Nagpapasalamat din ako kay Miguel (papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si Pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa Amerika doon tumira ang anak ko habang nag-aaral siya ng high school at first year college salamat @priscillasalud.
“Napakaagang pang Valentines at pa-bday ni Lord ito para sa akin.
“Salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi niya sa unibersidad na yan. I am so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. I love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE,” mensahe pa ni Ai Ai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.