Jerome, Jane may inamin sa relasyon nila sa magulang bilang mga 'Gen Z' | Bandera

Jerome, Jane may inamin sa relasyon nila sa magulang bilang mga ‘Gen Z’

Reggee Bonoan - March 07, 2021 - 05:33 PM

NGAYONG gabi na mapapanood ang bagong young adult series na “Gen Z” sa TV5 mula sa direksyon ni Joy Aquino handog ng Cignal Entertainment at Regal Films.

Sa nakaraang virtual mediacon ng show, natanong ang isa sa cast na si Jane Oineza sa karakter na Matet kung paano niya hina-handle ang isang bagay kapag nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng pamilya niya na kabilang pa sa Gen X habang siya naman ay nasa Gen Z.

“Hindi naman talaga maiiwasan ‘yun na magkaroon kayo ng diskusyon o you don’t see eye to eye and hindi lang naman sa family ‘yun kundi sa lahat ng tao kasi hindi tayo pareho ng kinalakihan, pareho ng understandings.

“Siguro give time or space and eventually you’ll meet halfway and hindi man kayo magkakasundo talaga pero mae-explain mo where you’re coming from and kung saan din sila nanggagaling and to understand kung bakit ganu’n ‘yung nangyari,” pahayag ni Jane.

Ayon naman kay Jerome Ponce as Jojo, “Sinasabi ng matatanda kapag nag-aaway ang magkakapatid na, ‘ikaw ang nakakatanda kaya dapat ikaw ang umintindi.’  At ngayong lumaki na tayo, hindi ko naman masabi sa kanila na, ‘kayo ang nakakatanda kayo ang umintindi.’

“Just to share rin sa mga relatives ko sa mga tita, tito, pinsan na mas nakakatanda dyino-joke ko na lang kasi I’m a jolly person sa family so binibiro ko na lang na, ‘ayan na naman ang pinag-uusapan tara na nga ganyan na lang,” aniya pa.

Hindi na pinalalaki pa ni Jerome ang diskusyon para walang isyu, “Ang nasa isip ko na lang lagi, they care. Mas gusto ko na lang pag-usapan kasi mas matatakot ako kapag hindi na sila nagtanong sa akin, hindi na nila ako kinausap, or they don’t care, so masaya na ako sa ganu’n kaya tatahimik na lang ako.”

Natanong din ang dalawa kung sa tingin nila ay mas nahihirapan sila bilang Gen Z na pag-usapan ang mga problema nila sa magulang o sa mas nakatatanda sa kanila kumpara sa mga kaibigan nila.

“Well, mix. It’s a little bit mix to every generation mas marami akong kilala na mas hirap silang mag open-up talaga sa parents, older relatives or older ones kasi mapapangunahan ng takot, sumbat unlike sa friends who would just listen, suggest something and at some point na may mga friends din like me na dini-diretso ko talaga kapag (mali) hindi ko na susulsulan or itataas pa.

“May mga friends kasi na just to boost your ego lang o makikisang-ayon. Masasabi ko talaga na mahirap ding mag-open sa parents unless you have this relationship na build na parang open up,” paliwanag pa ni Jerome.

Para kay Jane, “Yes siguro may ganu’n hindi lang naman sa generation sa lahat naman ‘yun na may takot kang magsabi kasi baka i-judge ka or baka pagalitan ka. Also, kung may magbibigay man sa ‘yo ng hard truth and tough love sila (magulang) naman ‘yun.

“You feel sila ‘yung pinaka-critic o pinaka-basher mo pero you also think of where they’re coming from and want the best for you and gusto nilang sila na ang magsabi no’n kaysa marinig mo pa sa iba,” pahayag pa niya.

Marami pang tatalakaying isyu sa Gen Z na tiyak na marami ang makaka-relate mapa Gen X o millennial ka pa sa pangunguna nina Jerome, Jane Ricci Rivero, Melizza Jimenez, Chie Filomeno, Kent Gonzales, at Darwin Yu.  Kasama rin sina Joey Marquez, Angeli Bayani at Teresa Loyzaga.

Ipakikita ng Gen Z ang fresh yet fearless portrayal ng struggles at aspirations ng nasabing henerasyon na umiikot ang kuwento sa mga nabanggit.

At kung may na-miss kang episode ay puwede rin itong mapanood tuwing Linggo, 6 p.m. simula sa March 14 sa One Screen Cignal TV CH.9 and SatLite CH. 35. Puwede ring panoorin ang Gen Z ng LIVE at ON-DEMAND sa Cignal Play App. Pwede ring i-stream ang bawat episode for free, mag-register lang sa cignalplay.com and i-download ang app on Android and iOS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending