Tama lang na si Gerald ang umamin sa relasyon nila ni Julia: 'Lalaki ako kailangan kong panindigan ‘yung babae' | Bandera

Tama lang na si Gerald ang umamin sa relasyon nila ni Julia: ‘Lalaki ako kailangan kong panindigan ‘yung babae’

Reggee Bonoan |March 06,2021
facebook
share this

Tama lang na si Gerald ang umamin sa relasyon nila ni Julia: ‘Lalaki ako kailangan kong panindigan ‘yung babae’

Reggee Bonoan - March 06, 2021 - 03:32 PM

“MAY pino-promote siyang ‘Init sa Magdamag’ teleserye. It’s about time (na magsalita) kasi may pino-promote ka, eh. Bakit ka naman aamin kung wala ka namang ilalapit sa audience?”

Ito ang sagot ng talent manager/vlogger na si Ogie Diaz sa tanong ng ka-tandem niyang si Mama Loi kung bakit umamin na si Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto na in-upload sa Ogie Diaz Showbiz Update.

Oo nga, halos dalawang taon na rin kasing isyu sa publiko na may relasyon sina Gerald at Julia na hindi naman nila inaamin.

Mega-deny pa ang aktres noong sabihan ng netizens na siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang kasalukuyang boyfriend at si Bea Alonzo at kaya rin sila naghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Sa one-on-one interview King of Talk na si Boy Abunda kay Gerald na uploaded sa YouTube channel ng AB-CBN Entertainment nitong Biyernes ng gabi ay umamin ang aktor na si Julia ang nagpapasaya sa kanya.

Bukod sa may teleseryeng ipalalabas si Gerald ay bilang birthday gift na rin niya ito sa sarili ngayong Linggo, Marso 7 na aminin na niya kung anong mayroon sila ni Julia na magbe-birthday din sa Marso 10, Miyerkoles.

Sabi pa ni Ogie, “Dapat kung mayroon kang (sasabihin) pag-isahin mo na rin, parang hitting two birds with one stone. Since nagpo-promote si Gerald, alangan namang hindi itanong ang tungkol kay Julia.  Alangan namang manahimik si Gerald, e, tinatanong siya.”

Naniniwala din ang manager cum vlogger na bago isagawa ang one-on-one interview ay ipinagpaalam na matatanong siya tungkol kay Julia at umokey naman ang aktor.

Protocol naman talaga ito na bago sumalang ang isang interviewee ay sinasabi sa kanya ng interviewer ang lahat ng mangyayari at mga itatanong para walang “gulatan” sa gitna ng panayam.

“I think right timing ito na dapat umamin na rin si Gerald. Saka para kay Gerald na rin, feeling ko ah, ‘lalaki ako kailangan kong panindigan ‘yung babae.’ Dapat lalaki ang unang aamin sa relasyon nila. Alangan namang si Julia ang umamim?” paliwanag ni Ogie.

Sa tanong ni Mama Loi kung ano na ang implication sa pag-aming ito ni Gerald, “E, di tahimik na ang publiko niyan,” mabilis na sagot ni Ogie.

Oo nga ang tagal na kasing pinagtatalunan ng publiko kung may relasyon talag sina Gerald at Julia base na rin sa mga post nila na nasa parehong lugar o mga kamay lang nila ang nakikita. Kumbaga ginagawa nilang pahulaan ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang hinihintay naman ngayon ng lahat ay ano ang isasagot o magiging reaksyon ni Julia sa pag-aming ito ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending