Sharon sa throwback video nila ni KC: Iyak na naman ako nang iyak dito... | Bandera

Sharon sa throwback video nila ni KC: Iyak na naman ako nang iyak dito…

Ervin Santiago |March 06,2021
facebook
share this

Sharon sa throwback video nila ni KC: Iyak na naman ako nang iyak dito…

Ervin Santiago - March 06, 2021 - 02:11 PM

NAGING emosyonal  na naman si Megastar Sharon Cuneta nang balikan ang mga bonding moments nila noon ng kanyang panganay na si KC Concepcion.

Hindi raw talaga mapigilan ng singer-actress ang mapaluha kapag napapa-throwback siya sa magagandang alaala nila ni KC lalo na noong bata pa ito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sharon ng maikling video clip kung saan mapapanood ang duet nila ni KC para sa kantang “I’ll Be There” na kuha sa isa niyang concert.

“This is the KC I miss SO VERY MUCH… I love you, my Tina,” ang isinulat niyang caption sa IG video.

Dugtong pa niya, “Why do our children have to grow up so fast? Iyak naman ako ng iyak sa panonood nito.”

Pagdating talaga sa kanyang mga anak ay mababa ang luha ni Mega, patunay lang yan ng ibinibigay niyang unconditional love, kabilang na ang pagtatanggol sa mga ito kapag bina-bash na sa social media.

Nito lang nakaraang January, na-shock at naiyak din si Shawie nang sorpresahin ni KC sa kanyang kaarawan.

Talagang nag-effort ang dalaga na pumunta sa Amanpulo kung saan sila nagbakasyon ng ilang araw kasama si Sen. Kiko Pangilinan at mga kapatid.

“KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are!

“She brought me our favorite strawberry shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!” ang caption ng movie icon sa ipinost niyang litrato sa IG kasama si KC.

Aniya pa sa pagdating ni KC sa kanyang birthday celebration, “happiest birthday ever. What a happy, glorious day it’s been.”

Sa kanya namang vlog, ibinahagi ni KC ang ginawa niyang sorpresa para sa ina, kabilang na riyan ang paggawa niya ng birthday letter.

“I’m writing to my mother because we used to write to each other all the time! We used to write to each other every few days, and she would tape it on my door, and I would tape my letter on her door.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Then it stopped, so now I’m doing it again. I said, ‘I love you, and I’m so happy to celebrate with you even for a few hours on the island. Happy birthday,’” sabi pa ni KC sa video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending