Barbie inulan ng swerte mula nang maging dyowa si Jak; Kevin bibida sa life story ni Petite | Bandera

Barbie inulan ng swerte mula nang maging dyowa si Jak; Kevin bibida sa life story ni Petite

Ervin Santiago |March 06,2021
facebook
share this

Barbie inulan ng swerte mula nang maging dyowa si Jak; Kevin bibida sa life story ni Petite

Ervin Santiago - March 06, 2021 - 09:44 AM

ITINUTURING ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang “lucky charm” sa kanyang personal life at career ang boyfriend niyang si Jak Roberto.

Ayon sa dalaga, mula raw noong maging karelasyon niya ang Kapuso hunk actor ay nagsunud-sunod na ang pagdating ng blessings sa kanyang buhay.

“Feeling ko siya yung lucky charm ko kasi parang ever since naging kami, parang nagtuloy-tuloy din talaga yung magagandang opportunities ko.

“Parang medyo dumami yung inquiries, dumami yung work, kaya talagang nakakatuwa,” pahayag ni Barbie sa panayam ng GMA.

“Hindi lang sa akin. Kahit sa kanya. Busy na rin siya ngayon, kaya ang saya lang, very thankful sa lahat ng blessings,” dagdag pa ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” lead star.

Samantala, inamin ng aktres na inaatake na siya ng kalungkutan dahil malapit nang matapos ang kanilang serye kung saan kasama rin niya sina Kate Valdez at Migo Adecer with Snooky Serna at Dina Bonnevie.

“Nakakalungkot na matatapos na siya kasi gano’n na kalaki at karami yung pinagsamahan namin sa show. Not just the cast pero pati yung mga staff, talagang parang naging pamilya,” sey ni Barbie.

Pero in fairness, mas kapalit naman agad ito dahil bukod sa “All Out Sundays,” bibida naman siya bagong season ng Kapuso drama anthology na “I Can See You” kasama si Paul Salas.

“Reunion namin bilang nagkasama na kami sa ‘Kara Mia’ before,” chika pa ni Barbie.

* * *

Bibigyang-buhay ng Kapuso actor na si Kevin Santos ang kwento ng komendyanteng si Petite o Vincent Aychoco sa brand new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi.

Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent (Kevin), pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin (Dennis Padilla) kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Makikilala ni Vincent si Jessica (Snooky Serna), isang babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya.

Kaya kahit kasing edad nito ang kanyang ina, makikipagrelasyon siya rito para mapasaya ang kanyang ama. May anak din si Jessica na kasing edad ni Vincent, si Alma (Ashley Rivera).

Laking gulat nina Vincent at Jessica nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalang-tao pa ang dalaga. Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang episode ng #MPK na pinamagatang “When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story” ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending