Kris nagalit nang mapanood ang fake news tungkol kay Josh: Pero nahimasmasan ako…
FINALLY, activated na ulit ang Instagram account ni Kris Aquino na ilang araw ring deactivated dahil umiwas sa mga magtatanong tungkol sa tsikang nakabuntis ang panganay niyang si Joshua kaya mas gusto nitong manatili sa probinsya.
Sa opinyon namin ay baka hindi maging maganda ang sagot ni Kris nu’ng kasagsagan ng isyu tungkol kay Josh na ikinalat ng mga taong walang magawa sa buhay.
Nauna nang ipinagtanggol ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz si Josh laban sa YouTuber na wala namang balls para ipakita ang sarili dahil boses lang niya ang naririnig na nagbabalita tungkol sa anak ni Kris. Bukod dito ay kinowt pa ang mama ng kuya ni Bimby tungkol sa pekeng balita.
Pagkalipas ng dalawang araw ay nag-post na si Kris sa IG ng bedroom slippers na may pink hearts na may black na background
Ang caption ni Kris, “Late arrival for my birthday- but I still LOVE them! the bedroom slippers (he said he ordered them from @shopee_ph BUT the reseller had imported them from (Korean flag) are from my 6’1 bunso. Gift ni Kuya Josh? Sorry hindi apo- he gave me cash in a lucky red envelope- an ANGPAO.”
Kaya nabanggit ni Kris ang “apo” ay dahil ito nga ang ibinalita ng YouTuber na kaya mas gusto na ni Josh sa probinsya ay dahil nakabuntis ito at magpapakasal na at sagot ng ina nito ang lahat ng gastos.
Natanong din daw si Kris kung ilang apo ang gusto nito at sinagot daw niya ng, “Kahit ilan, i-push n’yo ‘yan.”
Galit si Kris nang mapanood niya ang nasabing fake news kaya nag-deactivate ng IG.
Sa pagpapatuloy niya, “Like any parent, initially nu’ng pinakita sakin y’ung YT fake news about kuya, nagalit ako then pinanuod ko ang kumpareng @ogie_diaz ko sa vlog n’ya, and may tumatak sakin- Ogie said words to the effect na ‘hindi naman natin tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang panganay ni Kris’ and du’n ako nahimasmasan.
“Thank you pare, for all the years that kuya Josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics, you made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else many parents who raised or are raising children with special needs will identify with me… we know the challenges & we celebrate the victories. Kuya’s desire for independence now is a WIN!
“Tanggap namin na malabong mangyari for Josh to have a wife & children, pero marunong talaga ang langit binubuhusan s’ya ng sobra-sobrang pagmamahal ng lahat ng mga pinsan ko at kapitbahay n’ya ngayon sa Tarlac because his HEART is pure and his affection is REAL. (Thank you Jeric Hechanova for the shirts you gave kuya thanks to my cousin, Pin for being kuya Josh’s regular Wednesday lunch date & sending me his pic.) #lovelovelove.”
“P.S. binabawi nung nanay, she also deserves to love & be loved she didn’t date but just to be truthful she did accept burgers, milkshakes, pizza, cupcakes, coffee, tea, other types of food, flowers, and gifts from people who won’t be named.
“Technically, hindi ako nagsinungaling because for me a date means kaming dalawa lang (obviously may sumama but in another table), kumain sa labas or nagdala s’ya ng pagkain in the serviced residence where we are staying, and nagsabi na can we have lunch/merienda/dinner? Tama ba ko or mali ang interpretation ko? Sorry ha BUT I don’t know what ‘the new normal is,'” sabi pa ng TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.