Kilalang aktor nagsisisi na sa paglipat ng TV network, nganga pa rin sa raket | Bandera

Kilalang aktor nagsisisi na sa paglipat ng TV network, nganga pa rin sa raket

Reggee Bonoan - March 04, 2021 - 06:21 PM
TRULILI kaya na nagsisisi ang host-actor sa paglipat niya ng TV network dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang project?

Kabaligtaran daw kasi ito ng pangako sa kanya noong inalok siya ng kanyang manager sa paglipat ng istasyon.

May pelikulang nagawa ang TV host-actor at dahil ang producer ng pelikula ay nasa kabilang network kaya edit out siya sa isinagawang virtual mediacon na umere sa news program para sa promo.

Gayun din naman ang TV network na nilipatan ng TV host-actor na hindi rin puwedeng iere dahil ang mga kasama niya sa pelikula ay hindi rin mula sa parehong network.

So quits lang, kaso mas apektado ang TV host-actor dahil wala siyang masyadong exposure lalo’t kailangan niya ito para mapansin siya ng management at bigyan ng trabaho.

Matunog ang pangalan ng TV host-actor noong free lancer pa lang siya kaya nagtataka siya kung kailan siya nagkaroon ng manager ay saka naman siya hindi na masyadong pinapansin.

Dati raw ay marami pa siyang inquiry mula sa mga producer at talent coordinator pero ngayon ay wala na nga.

Dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa TV network at sana naman daw ay bigyan siya ng maraming project.

By the way, hindi network contract ang pinirmahan niya kaya hindi siya prayoridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay inilalako ng TV host-actor ang sarili sa mga kaibigan na taga-ad agency na baka maisingit siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending