Kilalang aktor minamalas ang career: Mukhang may balat talaga siya sa pwet! | Bandera

Kilalang aktor minamalas ang career: Mukhang may balat talaga siya sa pwet!

Reggee Bonoan - March 02, 2021 - 04:57 PM

NAKIUSAP pala ang aktor sa kanyang manager na kausapin ang pinaka-boss ng isang TV network para bigyan siya ng trabaho dahil wala na nga siyang pinagkukunan ng pambuhay sa pamilya niya.

Tsika sa amin ng isang taga-network ay panay ang padala ng mensahe ng aktor sa mga boss nila pero hindi siya pinapansin.

Kasi nga, may ginawa siyang hindi maganda kaya ang sumunod ay ang manager na nito ang tumawag at nakiusap na bigyan siya ng trabaho.

Ilang araw na pakiusapan ang nangyari at hanggang sa sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang desisyon ang boss ng network.

“Wala pang ibinababang desisyon si ____ (boss ng network) kasi kailangan pa niya itong i-discuss din sa iba pang executives.

“Nagpa-background check kasi si ____ (boss ng network) sa mga nakatrabaho ni ____ (aktor), pati ‘yung sa ibang network na pinanggalingan natanong din kung bakit hindi siya tumatagal.

“At doon sa isa, tinanggal pala dahil may matinding ginawa, pero hindi ito inilabas ng ____ (network) bilang respeto na rin sa manager at  pamilya niya,” kuwento ng aming source.

Kami rin ay nagtataka kung bakit laging natatanggal sa mga network na pinagtatrabahuan niya ang aktor. Mahusay naman siya pero parang may balat talaga siya sa puwet dahil bibilang ka lang ng ilang buwan ay magiging jobless na naman siya.

Iisa naman ang reklamo sa kanya, “May attitude kasi ang lolo mo, feeling sikat, e, hindi naman na.  Mas sikat pa nga sa kanya ngayon si ____ (kaanak niya).”

Napansin din namin na nakailang palit na rin ng manager ang aktor dahil hindi rin siya natatagalan. E, ang huling manager pa naman niya ay sobrang bait at lahat ng talents nitong hawak ay dekada na ang binilang at hindi siya iniiwan at lahat ay money-maker.

Namumukod-tanging si aktor lang ang waley kung ikukumpara sa ibang talents ng huling manager niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ang manager ng aktor ay sikat at iginagalang sa industriya dahil napakagaling makisama at magplano para sa career path ng mga alaga, pero mukhang masisira siya sa aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending