Aiko kinilala bilang Model Mom: Ang pagiging ina ang isa sa pinakamalaking achievement ko! | Bandera

Aiko kinilala bilang Model Mom: Ang pagiging ina ang isa sa pinakamalaking achievement ko!

Ervin Santiago - March 02, 2021 - 09:15 AM

PINARANGALAN ang award-winning Kapuso actress na si Aiko Melendez bilang isang “model mom.”

Kinilala ng Model Mom Philippines si Aiko bilang idol nanay na ginagawa ang lahat ng makakaya at buong tapang na itinataguyod ang kanyang mga anak sa loob ng mahabang panahon.

Sa kabila nga ng pagiging single mother ay napalaki ni Aiko nang maayos at mabubuti ang kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng premyadong aktres ang natanggap na parangal mula sa Model Mom Philippines. Aniya,  madagdagan man nang madagdagan ang kanyang best actress trophy, iba pa rin ang feeling kapag pinupuri siya bilang isang ina.

Sabi ni Aiko sa caption ng kanyang IG post, “Maraming salamat po sa pagkilala sa akin bilang isang model mom.”

“Nakakataba po ng puso ang malaman na inspite of all the challenges of being a single mom, napansin niyo pa din ang aking kakayahan maging ehemplo sa mga nanay na katulad ko po.

“Kakaibang kaligayan ang maging awardee sa category nito pagka’t ang pagiging isang ina ang isa sa pinakamalaking achievement ko sa buhay ko,” lahad pa niya.

Sa mga hindi pa aware, anak ni Aiko si Andre kay Jomari Yllana habang si Marthena naman ang bunga ng pagmamahalan nila ng dating model na si Martin Jickain.

Sa isang panayam kay Aiko, ibinahagi niya ang ilan sa mga natutunan niya sa pagiging single parent, “Ako ang number one rule ko talaga, never hinder your children to see their fathers or their mothers kung kabaligtaran man ‘yung sitwasyon nila na kunwari single dad sila.

“Huwag nilang papabayaan na may ma-miss out ‘yung parent na ‘yun sa buhay nila. Kasi one way or another, kahit sabihin mong walang epekto sa bata, meron at meron eh.

“Kasi I came from a broken family. Noong una sabi ko wala namang epekto, eh. As I grow up, meron, eh. So it’s the constant reminder to your kids na, ‘Hey, hindi man tayo buo, but you know you can be complete as a person, as an individual.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“How? By being good to the community, by being a good student, by being a good daughter or a good son. So that’s what I always tell them,” paliwanag ng idol mom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending