Chef Boy Logro ibinandera ang 'agritourism farm' sa Davao: Ito talaga ang retirement plan ko | Bandera

Chef Boy Logro ibinandera ang ‘agritourism farm’ sa Davao: Ito talaga ang retirement plan ko

Ervin Santiago - March 01, 2021 - 10:43 AM

ENJOY na enjoy ngayon ang Kapuso celebrity chef na si Boy Logro sa simpleng buhay niya sa kanyang farm sa Davao.

Mula pa noong magsimula ang lockdown sa bansa dulot ng Covid-19 pandemic ay nasa Davao de Oro na si Chef Boy kung saan niya itinatayo ang tinawag niyang “agritourism farm.”

Aniya, kahit nami-miss niya ang buhay sa Maynila lalo na ang pagte-taping para sa cooking show niyang “Idol Sa Kusina” sa GMA, super happy naman daw siya sa pagbabalik niya sa buhay promdi.

“Nag-enjoy ako dahil nasa farm po ako sa resort doon sa Davao de Oro. Nag-enjoy talaga ako doon dahil ang dami kong nagagawa,” pahayag ni Chef Boy sa panayam ng GMA.

Pahayag pa niya, ang lahat ng makikita sa kanyang farm ay resulta ng kanyang pagsisikap at pagpupursigi sa buhay, “‘Yung aking farm may manukan, fish pond, and of course yung tanim na saging at sari-saring gulay.”

“Napakaganda pala, doon ko nagawa ‘yung gusto kong gawin for how many years kasi ‘pag umuuwi ako doon, three days lang or five days. Nitong pandemic talagang fulfilling po ‘yung nagawa ko sa farm,” dugtong pa ni Chef Boy.

Kung matatandaan, last year ay ibinalita na ni Chef Boy ang kanyang retirement plan kasama na nga riyan ang matagal na niyang pangarap na “agritourism farm” sa Davao de Oro.

“Lahat naman tayo may sinasabi na retirement plan. So this is my retirement plan talaga sa buhay ko.

“Napakaganda po pala kapag meron kang farm, kasi mahirap ‘yung puro ka na lang trabaho. Nae-enjoy ko ‘yung buhay ko kasi nga ‘yung sa farm magandang-maganda dahil ang farm ay nandiyan at puwede mo pong pagkuhanan ng pagkain,” pagbabahagi pa niya.

Sabi ni Chef Boy inaasahang  makukumpleto na ang agritourism farm ngayong taon, “Puwede na po siya sa…baka ngayong 2021 kumpleto na po siya.”

Samantala, sa lahat ng mga nagnanais na magkaroon din ng farm o resthouse sa probinsya, may ilang tips na ibinigay ang kilalang celebrity chef.

“Pipiliin mo ‘yung lugar na hindi pa siya masyadong overused or acidic na yung lupa. Sa Davao de Oro napakaganda pa ng lupa dahil bagong bago siyang cultivate.

“Ganoon ang dapat na piliin nila. Malayo man dapat bilihin nila ‘yun kasi mura pa. Huwag kang bumili ng mahal tapos nasa siyudad pa,” sey pa ni Chef Boy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa niya, “I think 20 years ago binili ko ‘yung five hectares ng 57,000. Akalain mo ‘yan, napakamura lang. ‘Yan ang dapat na gawin natin. Alam n’yo kapag may lupa ka, lifetime mo talaga mae-enjoy at mabubuhay ka.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending