Bea pinayuhan ni Ian na magka-baby na kahit walang asawa: But I want to have a partner for life... | Bandera

Bea pinayuhan ni Ian na magka-baby na kahit walang asawa: But I want to have a partner for life…

Reggee Bonoan |February 28,2021
facebook
share this

Bea pinayuhan ni Ian na magka-baby na kahit walang asawa: But I want to have a partner for life…

Reggee Bonoan - February 28, 2021 - 05:29 PM

SA latest vlog ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel kasama si Ian Veneracion ay nagpahaging siyang hindi niya boyfriend si Dominique Roque tulad ng inaakala ng lahat.

“So, I had dinner with this guy, and I decided to film it. Buti na lang I did, because now, I can finally share with you how much fun I have whenever I would hang out with him. We always have the most interesting conversations,” ang simulang sabi ni Bea tungkol kay Ian na naging leading man niya sa teleseryeng “A Love to Last” noong 2017.

“Miss puwedeng makipagkilala?” bati ni Ian kay Bea na matagal na pala siyang hinihintay at sinabihan siyang late.

Sagot ni Bea, “Hindi puwede. Ang guwapo mo, umupo ka na lang.”

Dagdag ng aktres, “Ganyan ka ba talaga makipagkilala? Like in a different (other) country, how would you approach the girl?”

“I wouldn’t,” sagot kaagad ng aktor.

Pero makulit si Bea, “Halimbawa single ka?”

“I don’t know I would just… (hindi itinuloy),” say ni Ian.

“Hindi smooth ka, eh like how?” kinikilig na tanong ulit ng dalaga.

“For example I like her face, I say (it) straight!” saad ng aktor.

“Like ‘you look beautiful?’” tanong ulit ni Bea.

“Yes!” sambit ni Ian.

“Hindi ba (sasabihin maki-keep out ‘yung girl?)” say ng aktres.

“Bahala siya, e, di mag-keep out siya hindi ko naman siya kilala,” sagot ulit ni Ian. “I’m just expressing that to compliment and if she takes it as (make face), bahala siya.”

“Paano kung ‘yung girl ang gustong mag-approach? How would a girl impress you?” tanong ni Bea.

Pero ibinalik ni Ian ang tanong sa aktres, “Kung ikaw may gusto ka anong best approach?”

“I think nangyari sa akin ‘yan sa Canada ba (nag-isip), may guwapo talaga na lalaki across the room kamukha niya si Ryan Gosling and then parang nag-smile siya, kilig na kilig ako.

“Nag-isip ako na parang bet ako or something, tapos hindi ko na alam kung anong next move ko tapos nag-smile lang ako ang that’s it,” balik-tanaw ni Bea.

“Unang-una bakit ka nahihiya hindi mo naman siya kilala,” balik-tanong ni Ian. “You could go into his table and said ‘hello, I’m ano, have coffee with me, tapos!”

“What?” reaksyon ng dalaga.

“From a guys’ point view parang ‘wow, feisty’, di ba? Kung hindi ka naman niya type sasabihin niya, ‘no, thanks!’” say ni Ian.

“So parang pogi points sa kanya kasi may nag-approach sa kanyang girl, either way he would feel good,” saad ng dalaga.

“Saka diretsahan walang bolahan,” pahayag pa ng aktor.

Pero nilaglag ni Bea ang kausap, “E, mambobola ka (sabay tawa) sa ‘yo pa nanggaling ‘yan?”

Nagulat ang aktor, “Ako?”

Natawa si Bea, “Wala ka nang mabibiktima sa ganyan, hindi na effective.”

“Hindi na effective sa ‘yo?” tanong ni Ian.

Kasunod nito, umorder na ng pagkain ang dalawa.

“Alam mo na-realize ko kanina, ang tagal-tagal mo na palang artista ‘no? Naging child star ka, tapos matinee idol. Oh my God! May nakita akong movie mo (Zaldong Tisoy),” tumatawang sabi ng aktres.

“Bakit tawang-tawa ka (sa title), uso ‘yun dati Alyas Baby Face. That’s my first action movie, mga title, di ba? Boy Praning, Utak Pulbura,” sabi pa ng aktor.

Tawa nang tawa ang aktres, “Di nga? Di ba nauso dati sexy films?”

“Never akong (nagpaseksi), merong culture rati na kapag leading lady mo liligawan mo. Ever since all in my action movies lalo na I treated all my leading ladies with respect and as professionals. We don’t have anything personal,” paliwanag ni Ian.

“But I’m sure you’ve seen people na directors and assistant directors.  Ngayon kasi mas aware ka na all the things are not acceptable or dapat hindi ka pumapayag although hindi naman nangyari sa akin pa.

“Like ang dami kong na-witness na mga babaeng ayaw mag-two piece or ayaw maghubad sa isang love scene but then parang sisigawan ng direktor as if they did something wrong,” pahayag ng dalaga.

“It teaches you to stand up for yourself to be a certain.  When I say no, it’s a no, di ba?” katwiran naman ng aktor.

Nabanggit pa na karamihan sa mga lalaking artista noon na kahit ayaw nila ay kailangan nilang gawin pero may iba ring hindi talaga nagpapadikta.

“Of course if you’re not comfortable doing it, you’re not comfortable and it’s non-negotiable dapat. Pero ako, it has been a liberating experience when I finally realized that a certain period of my life na parang at some point, I don’t care of what you think of me. If this person thinks I’m an asshole or not it does not affect me. Okay bahala ka na,” paliwanag ni Ian.

“Ang galing mong mag-shut-off ng mga negative na ano,” saad ng aktres.

“Hindi naman, I think it’s the art of not caring. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng aktor.

“I know the art of not giving a f*ck!  There’s a book, I actually read that,” nakangiting sabi ni Bea.

“May daughter has that book,” say naman ni Ian.

Inamin din ni Bea na hangang-hanga siya sa aktor lalo na sa pagiging tatay nito na ipinagpasalamat naman ng huli dahil maski paano pala ay may nagustuhan sa kanya ang dalaga.

At sa tanong ni Bea kung kailangan na niyang mag-asawa sa edad niyang 33 ngayon, ang diretsong sagot ni Ian, “No!”

“No? I shouldn’t?” tanong uli ng dalaga.

“I think you should have a kid,” payo ng aktor.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga, “But not get married, why?”

“Yeah, sabi nga ng kaibigan ko, ‘kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bitbitin ‘yung buong baboy,” say ni Ian.

At nagkatawanan ang dalawa, “Doon ka na sa best part,” saad ng aktres

“Ako I say this with most sincerity and care for you, I really think that a child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t.  Based on what I know about you and how I know you,” paliwanag ni Ian sa kaibigang aktres.

Sabi naman ni Bea, “I want to have a partner for life, I want like to have someone to be there to raise a family, build the life with at sana makahanap ako ng kasingbuti mo bilang tatay pero hindi asawa. Ha-hahahaha! Actually, I don’t like a boring life, a boring family life.  Siguro push pa natin hanggang 35 (edad).”

Sa mga pahayag na ito ng aktres ay maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi sila magdyowa ni Dominic Roque dahil kung sila na talaga ay hindi niya masasabi ang lahat ng ito sa kanyang vlog. Kayo, ano sa tingin n’yo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending