Angelica super happy sa lovelife: Lakas ng loob, tapang at paniniwala sa sarili na kaya mo yan... | Bandera

Angelica super happy sa lovelife: Lakas ng loob, tapang at paniniwala sa sarili na kaya mo yan…

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Angelica super happy sa lovelife: Lakas ng loob, tapang at paniniwala sa sarili na kaya mo yan…

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 03:19 PM

“AYOKO rin namang ipagdamot yung happiness na meron ako ngayon.”

Bahagi yan ng naging pahayag ni Angelica Panganiban tungkol sa naging desisyon niya na ibahagi sa madlang pipol ang tunay na estado ngayon ng kanyang lovelife.

Nito lang January (mismong New Year’s Day) ibinandera ng Kapamilya actress ang tungkol sa relasyon nila ng non-showbiz guy na si Gregg Homan.

Sabi ni Angelica, gusto niya lang daw ipagsigawan at ibandera sa buong universe ang kaligayahang nararamdaman niya sa piling ng kanyang bagong boyfriend.

“Wala rin namang intention na i-broadcast din. Siyempre dumating na rin ako sa point na gusto mong maging kung ano yung private, eh sana manatiling private na lang.

“Kasi minsan hindi mo nakikita yung point tapos mas gumugulo kapag mas marami nang nakikisawsaw na mga tao. Lalo na hindi naman taga-showbiz yung kasama ko.

“So, parang gusto mo ring respetuhin yung privacy niya, di ba? Kaya lang, artista ako so mahirap din naman na ipagdamot yun sa mga tao,” ang paliwanag ng aktres sa presscon ng bago niyang pelikula kasama si Coco Martin, ang “Love or Money”.

Dagdag pa niya, “Parang wala naman akong plano. Parang gusto ko lang din maging proud, eh. Siguro parang i-share lang din yung happiness dahil maraming tao rin kasi kapag malungkot ako o nasaktan ako nandiyan sila para sa akin at nasasaktan sila at the same time nalulungkot sila para sa akin.

“Parang ayoko rin naman ipagdamot yung happiness na meron ako ngayon. So sa simpleng bagay na ganu’n kahit paano siguro nai-share ko at naipakita ko sa mga tao na, ‘Uy si bakla masaya na.’ So magbunyi kayong lahat, ganu’n,” lahad pa ng tinaguriang Hugot Queen.

Sey pa ng dalaga, madali naman daw nakapag-adjust ang boyfriend niya sa pagkakaroon ng artistang dyowa.

“Kung kilala niyo rin naman ako sobrang simple ko rin na tao. Minsan kailangan ko rin i-remind yung sarili ko na, ‘Huy artista ka, yung mga ginagawa mo, mga sinasabi mo, mga pinupuntahan mo.’

“Hindi naman din naging mahirap yung pag-a-adjust. May mga panahon lang na nagugulat pa rin siya kapag may biglang lumalapit sa akin. Parang kailangan niya i-remind yung sarili niya na oo nga pala artista yung kasama ko,” chika pa ni Angge.

Inamin din niya na nagsimula muna sila ni Gregg bilang tropa-tropa, “Nu’ng umpisa naman, go with the flow lang. Parang tini-test mo lang yung water. Pero part naman lahat nu’ng excitement, parang mami-miss mo pala yung ganitong pakiramdam.

“Siguro lakas ng loob, tapang lang talaga, at paniniwala sa sarili na parang kaya mo yan. May mga napagdaanan ka, masasaktan ka ulit, ganu’n talaga. So might as well gawin mo na lang din,” esplika pa ng aktres.

Ang huling naging celebrity boyfriend ni Angelica ay si John Lloyd Cruz, naghiwalay sila noon pang 2016. Naging dyowa rin niya noon sina Derek Ramsay at Carlo Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending