Tito, Vic & Joey muling nagkita-kita makalipas ang mahigit 1 taon; Sef, Andre manggugulo sa TBATS | Bandera

Tito, Vic & Joey muling nagkita-kita makalipas ang mahigit 1 taon; Sef, Andre manggugulo sa TBATS

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Tito, Vic & Joey muling nagkita-kita makalipas ang mahigit 1 taon; Sef, Andre manggugulo sa TBATS

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 02:11 PM

MAKALIPAS ang mahigit isang taon, muling nagkita-kita nang personal ang legendary showbiz trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens pati na rin ng mga Dabarkads ang litrato ng tatlong host ng longest-running noontime variety show sa bansa na “Eat Bulaga”.

Ipinost ito ni Sen. Tito Sotto sa kanyang Instagram account. Ang maikling caption ng actor-host-politician sa kanilang IG photo, “Together again after over a year!”

 

Naganap ang masayang reunion ng TVJ kahapon sa 50th wedding anniversary ng mag-asawang Tony at Mads Tuviera na dinaluhan din ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Simula nang ipatupad ang lockdown last year dahil sa Covid-19 pandemic, hindi na rin nagkita-kita sina Tito Sen, Bossing at Joey. Ito’y matapos ngang matigil pansamantala ang live airing ng “Eat Bulaga” bilang pag-iingat na rin kontra pagkalat ng virus.

June, 2020 na nang bumalik sa studio ang mga Dabarkads ngunit ang ibang host ay nanatili pa rin sa  work-from-home setup, kabilang na sina Vic at Joey na pareho na ngang senior citizen.

Ganu’n din si Sen. Tito na nagre-report sa Senado through zoom conference kasama ang iba pang senador.

Kaya naman kitang-kita sa mukha ng tatlong “Eat Bulaga” host ang kanilang kaligayahan nang muli silang magkasama-sama kahit ilang oras lamang.

Samantala, bukod sa nagsilbing reunion nina Tito, Vic at Joey ang wedding anniversary ni Tony Tuviera, sinamantala na rin nina Bossing at Pauleen Luna ang pagkakataon na “makapag-date” sa nasabing venue makalipas ang mahabang panahon na “nakakulong” sa kanilang bahay.

                            * * *

Mas pinatinding kulitan at katatawanan ang mapapanood sa “The Boobay And Tekla Show” (TBATS) ngayong gabi sa GMA 7.

Susugod sa “TBATS” ang “Game of the Gens” hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras para sa isa na namang nakakaaliw at nakakalokang episode kasama ang Kapuso fun-tastic duo na sina Boobay at Super Tekla.

Ang pinakabagong quiz masters na sina Sef at Andre ang masusubok at mahahamon sa pagsagot sa kanilang pag-upo sa “May Pa-PressCon” segment ng “TBATS.”

Bukod dito, sila rin mismo ang magho-host ng special segment na “Game of the Girls” kung saan maglalaban naman ang Team Boobay at Team Tekla.

Kasama nilang maglalaro rito ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Krissy Achino.

Mapapanood din ngayong Linggo ang bagong segment na “Ang Harsh” kung saan babasahin nina Boobay at Tekla pati na ng The Mema Squad ang pinakamalupit at maaanghang na tweets tungkol sa kanila. Ang harsh talaga!

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, Feb. 28, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending