Serye nina Carla, Rhian at Mikael may K-drama feel; Klea pang-best actress sa 'Magkaagaw' | Bandera

Serye nina Carla, Rhian at Mikael may K-drama feel; Klea pang-best actress sa ‘Magkaagaw’

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Serye nina Carla, Rhian at Mikael may K-drama feel; Klea pang-best actress sa ‘Magkaagaw’

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 09:25 AM

TUTOK na tutok na ang Kapuso viewers sa mas tumitinding mga eksena sa hit GMA primetime series na “Love of My Life”.

Patunay dito ang patuloy na pamamayagpag sa ratings game at pag-trending sa social media ng nasabing Kapuso serye.

Usap-usapan naman ang recent episode ng “Love of My Life” kung saan tuluyan nang itinigil ni Nikolai (Mikael Daez) ang nararamdaman niya para kay Adelle (Carla Abellana) at sa halip ay pinili si Kelly (Rhian Ramos).

Maraming viewers at netizens din ang bumilib sa closure scene sa pagitan nina Nikolai at Adelle. Post ng isang netizen, “Super ganda talaga ng LOML, dami kong niluha. #LOMLGoodbyeFeelings.”

Comment naman ng isa pang viewer, “Magagaling lahat ng cast sa LOML. May K-drama feel din siya kaya exciting panoorin. Pati lola ko late ng matulog dahil waiting talaga siya sa mga ganap nina Nicolai at Adelle.”

“Pinatunayan ng Love of my life na hindi kailangan ng sigawan, sabunutan, kidnapan at palitan ng baby sa isang soap opera para tutukan ng viewers,” sabi naman ng isa pang avid viewer.

Kani-kanya namang hula at opinyon ang mga manonood kung si Adelle o Kelly nga ba ang dapat na makatuluyan ni Nikolai sa huli lalo pa at nabuking na rin ni Kelly ang lihim ni Adelle na may nararamdaman din ito para kay Nikolai.

Kayo ba, Team Adelle o Team Kelly? Sino sa tingin n’yo ang magwawagi sa puso ni Nikolai? Tumutok lang sa tumitinding mga eksena sa “Love of My Life”, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

* * *

Simula naman nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw,” dumami pa ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda.

Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang si Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).

Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”

Komento naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na abangan ang painit pa nang painit na mga eksena sa “Magkaagaw,” sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending