Ellen sa mga nangnenega sa kanila ni Derek: Haters never win! | Bandera

Ellen sa mga nangnenega sa kanila ni Derek: Haters never win!

Ervin Santiago - February 26, 2021 - 05:55 PM
INAARAW-ARAW na nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang pagpaparamdam sa publiko na nag-level up na agad ang sinasabi nilang special friendship.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagpo-post nila ng kanilang mga sweet photos together sa social media na parang gusto ngang ipagsigawan sa buong universe na sila na!

Marami namang boto sa kanilang relasyon kung sila na nga dahil bukod sa pareho silang single at pareho na ring may anak ngayon, bagay na bagay din daw sila para sa isa’t isa.

At wish nila sa rumored couple na sana raw ay natagpuan na nila sa bawat isa ang hinahanap nilang partner in life matapos ilan nilang failed relationships.

Pero kung may pabor, may mga nangnenega rin sa dalawa at ang iba pa nga ay puro kabastusan na ang sinasabi laban sa kanilang relasyon.

Ilan sa mga haters ay sinasagot at sinusupalpal nina Derek at Ellen lalo na kapag below the belt na at talagang nakakabastos na.

Tulad na lang ng nagsabing, “Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang…Tinikman mo.”

Sagot naman sa kanya ni Derek, “I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen.”

Sa recent post naman ng dating sexy star kung saan makikitang magkadikit sila sa isang upuan ng hunk actor na ang tanging caption ay isang dragon at isang fire emoji.

Tanging salitang “crush” lamang ang naging komento dito ni Derek na sinagot naman ni Ellen ng, “Crush mo pa lang ako dito. Wow hahaha.”

Sabi naman ng kaibigan ng celebrity mom na si Nikka Garcia, “Da! Lipay ko para nimo dzai,” na ang ibig sabihin ay, “I’m happy for you.”

Samantala, hindi rin nagpatalo si Derek sa kanyang rumored girlfriend at nag-post din ng picture nila together kung saan mababasa ang mensahe ni Ellen sa isang nag-comment na wala raw siyang make-up nang kunan sila ng aktor.

“”Zero makeup na ha, ‘wag kang inggit na naman,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman niya sa naging komento ng isa pang IG user,  “‘Wag kang hater dai, haha, sabi nga ni Tom Hiddleston ‘Haters never win. I just think that’s true about life, because negative energy always costs in the end.'”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending