Heart nagwo-walkout kapag nagtatalo sila ni Chiz: Minsan tinutulugan ko siya | Bandera

Heart nagwo-walkout kapag nagtatalo sila ni Chiz: Minsan tinutulugan ko siya

Ervin Santiago - February 26, 2021 - 09:12 AM

“TINUTULUGAN ko siya,” ang diretsong sagot ni Heart Evangelista sa tanong kung ano ang ginagawa niya kapag nagkakaroon sila ng pagtatalo ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Kung minsan naman daw ay nagwo-walkout na lang siya lalo na kung medyo mainit na ang diskusyon at pareho na silang galit o masama ang loob.

Kuwento ni Heart, siya na raw ang kusang umiiwas sa mga ganitong eksena dahil alam niyang magaling ang kanyang asawa pagdating sa debate.

“When we argue, si Chiz kasi magaling magsalita, he’s really good with debate. I choose my battles so I’m quiet and it pisses him more when I’m quiet,” ang walang kagatul-gatol na pahayag ng Kapuso actress sa vlog ng celebrity beauty doctor na si Aivee Aguilar.

Hirit pa ni Heart, “So I’m guilty also of going up and sleeping. Tinutulugan ko siya.”

Sey pa niya, hindi raw kasi siya confrontational na tao kaya kung minsan pagkatapos niyang manahimik at mag-walkout, ang ginagawa niya, susulatan niya si Chiz.

“I’m more of I’ll write you a letter first so if you write a letter, they can actually digest it more and better because they don’t see your face. He’s not irritated na galit ka.

“So ‘yung tone, according sa tone sa utak niya so mas maiintindihan niya ang mga gusto kong i-explain.

“There’s no point kasi arguing and fighting. When you guys are angry at the very moment, let it pass,” magandang katwiran ni Heart.

Inamin din ng Pinay fashion icon na marami rin siyang challenges na pinagdaanan noong magkaroon sila ng relasyon ni Chiz. At dahil daw sa sobrang pagmamahal niya sa public servant, nalampasan niya ang lahat ng ito.

“He also really loved me. He understood my immaturity or whenever I get mad and unreasonable. Naging maalaga rin siya with my feelings,” chika pa ni Heart.

Last week, nag-celebrate sina Heart at Chiz ng kanilang sixth wedding anniversary. Nag-post ang aktres ng litrato nila ng asawa na kuha sa kasal nila.

“Six years and a lifetime more to go with us at each other’s side. I wouldn’t have it any other way.

“Thankful for all the big and small moments we’ve had, and everything else in between! Happy Anniversary, mon amour,” ani Heart sa caption.

Kamakailan, nagbigay din ng saloobin si Heart tungkol sa pagmamahal sa pamamagitan naman ng vlog ni Maja Salvador. Dito sinabi niya na kakambal talaga sa pakikipagrelasyon ang masaktan.

“Kasama na yun du’n. But at the same time, hindi lang din naman siya sakit. Masaya din naman siya. Masakit siya because may mga kailangan kang aralin sa sarili mo na ‘Babaguhin ko ba ito? Ano bang gusto ko? Kaya ko ba i-take ito?’ Barometer ang love.

“Doon mo nakikilala at doon nade-develop yung character mo as a person. Iba din ang nagagawa ng love sa life. Whether it was good or it was bad, all is fair in love.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Love for yourself wins. At the end of the day, kasi kung hindi ko napagdaanan lahat ng pinagdaanan ko, baka hindi rin ako worthy na makasama yung asawa ko ngayon dahil napakabuti din niya. It all makes sense,” sabi pa ng Kapuso actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending