Jopay 6 na buwan nang buntis: Hindi lang siya pandemic baby, pinag-pray namin ito ni Joshua... | Bandera

Jopay 6 na buwan nang buntis: Hindi lang siya pandemic baby, pinag-pray namin ito ni Joshua…

Ervin Santiago |February 25,2021
facebook
share this

Jopay 6 na buwan nang buntis: Hindi lang siya pandemic baby, pinag-pray namin ito ni Joshua…

Ervin Santiago - February 25, 2021 - 03:39 PM

ISA na namang celebrity “pandemic baby” ang isisilang very soon matapos ibandera nina Jopay Paguia at Joshua Zamora na may madadagdag na naman sa kanilang pamilya.

In-announce ng mag-asawa sa pamamagitan ng bagong vlog sa kanilang YouTube channel na magkakaroon uli sila ng baby girl dahil anim na buwan nang nagdadalang-tao ang actress-dancer.

Ang baby reveal video na ito ay isinabay talaga nila sa 50th birthday celebration ni Joshua kasama ang kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Mapapanood sa nasabing video na may titulong “Daddy Joshua’s birthday with a big surprise,” ang ilang bahagi ng pregnancy journey ni Sexbomb Jopay, kabilang na ang ultrasound session kung kailan nila nalaman ang gender ng susunod bilang baby.

Ayon sa celebrity couple, gustung-gusto naman nilang magkaroon ng baby boy sakaling biyayaan uli sila ng anak. Ngunit ipinakita sa video na mga pink confetti ang laman ng mga pinaputok nilang gender reveal balloon.

Sinabi naman nina Jopay at Joshua na kahit babae na naman ang ipinagbubuntis ng actress-dancer ay super happy pa rin sila dahil magkakaroon uli sila ng bagong anghel sa kanilang buhay.

“Ang baby na ito ay ‘di lang siya isang pandemic baby kundi pinagpray namin ito ni Joshua, as in,” ang chika ni Jopay.

Patuloy pa niyang chika, “Bale, ito ay six months na po siya kaya by the end of April or first week of May ay lalabas na ang aming baby girl.

“Gusto namin mag thank you sa lahat ng sumuporta sa aming gender reveal at sobrang happy ako.

“Akala ko talaga baby boy ito kasi sabi ko pa kay Joshua, ‘Baby boy siya kasi ang ganda ng pagkabilog ng tiyan ko at hindi ako nahihirapan ngayon mabuntis,’” dugtong pa ng original Sexbomb Girl.

“Thank you kay Lord dahil binigyan niya kami ng second baby. Hindi ko alam basta masyadong happy lang dahil ito nga hindi madali, e.

“Mga two and a half years din kaming naghintay. Kaya sa aming friends and family, we have a second baby na. I hope you like it!” masayang sabi pa ni Jopay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Joshua, “That’s why we are very grateful. Of all the things na nangyari, mga complaints, depression, in the past few months pero this time, it’s a blessing! And talagang nire-receive namin yan. Thank you, Lord!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending