Kelvin natupad na ang pangarap magka-billboard sa EDSA; Ken nahulaan ang 'future' nila ni Rita | Bandera

Kelvin natupad na ang pangarap magka-billboard sa EDSA; Ken nahulaan ang ‘future’ nila ni Rita

Ervin Santiago - February 25, 2021 - 09:37 AM

INUULAN ng blessings ngayon ang “The Lost Recipe” lead star at Kapuso matinee idol na si Kelvin Miranda.

Marami na ang nakapansin sa kanyang napakaganda at bonggang billboard bilang endorser ng isang clothing at lifestyle brand sa kahabaan ng EDSA.

Inamin ni Kelvin, na kilala na rin ngayon as Chef Harvey dahil sa kanyang hit show na “The Lost Recipe”, na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.

“Sa totoo lang po, mula noong bata ako iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard (brand ng sikat na clothing line),” pahayag ni Kelvin.

Natatawa pang inamin ni Kelvin na napa-wow din siya nang makita ito, “Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko.”

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game at sa social media ang “The Lost Recipe” kung saan kasama niya ang isa sa mga Kapuso sweetheart na si Mikee Quintos.

Kanya-kanyang theory na ngayon ang viewers at netizens kung ano ang mangyayari sa serye dahil sa dami ng twists at revelations nito

Panoorin ang kapana-panabik na kuwento ng “The Lost Recipe”, tuwing 8:15 p.m. sa GTV.

* * *

Sumabak sa isang compatibility test ang Kapuso love team at “Ang Dalawang Ikaw” stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang questions tungkol sa kanilang buhay at career.

Ibinahagi nina Rita at Ken na sa Sunday variety show na “Party Pilipinas” sila unang nagkita. Kuwento ng aktor, noon pa lang daw ay naramdaman na niya agad ang posibilidad na maging magka-love team sila ng dalaga.

“Nu’ng nagkita kami sa Party Pilipinas, sinabi ko sa kanya, ‘bagay tayo, puwede tayo maging love team.’ Hala, nagkatotoo nga,” ayon kay Ken.

Nagpaulan naman ng kilig vibes ang dalawa sa pangalawang tanong kung saan hindi nasagot nang tama ni Rita ang question kung ano ang pinakaayaw na pagkain ni Ken.

Bilang parusa, kailangang halikan ni Rita ang isang paboritong parte ng katawan ni Ken at ito ang talukap ng mata ng binata dahil ito raw ay “maganda” at “super expressive.”

Samantala, sasabak naman sa mas mature roles sina Rita at Ken sa kanilang upcoming Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw” kung saan gaganap sila bilang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa serye ay bibigyang-buhay ni Ken ang katauhan ni Nelson, isang lalaki na may dissociative identity disorder (DID) o may multiple personalities. Gagampanan naman ni Rita ang papel ni Mia, angvasawa ni Nelson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending