Kylie, Aljur nagkaayos na; pero ninega ng mga bashers | Bandera

Kylie, Aljur nagkaayos na; pero ninega ng mga bashers

Reggee Bonoan |February 24,2021
facebook
share this

Kylie, Aljur nagkaayos na; pero ninega ng mga bashers

Reggee Bonoan - February 24, 2021 - 04:59 PM

PAGKATAPOS gumawa ng ingay si Kylie Padilla-Abrenica sa social media dahil sa litrato niya sa Instagram na hindi suot ang wedding ring at isa pang photo na nakataas ang mga kamay na may caption na, “Free” ay may bago na naman siyang IG post.

Ito ang litrato kung saan naka-green dinosour costume ang asawang si Aljur Abrenica at karga ang bunso nilang si Axl habang ang panganay na si Alas ay kulay pula naman ang suot na costume.

Ang tanging caption ni Kylie rito ay, “This (praying emoji).” Sinagot naman siya ni Aljur ng tatlong heart emoji.

Ang intindi namin dito ay okay na ang mag-asawa tulad nga ng kuwento ng taong malapit sa aktor na may pinagdaraanan lang ang mag-asawa at ito nga ang inaayos nila.

Hindi kaya ang pinag-awayan nila ay ang pagbabalik-showbiz ni Kylie? Sa pagkakaalam namin ay may gagawing TV series ang aktres sa GMA 7 at ang dalawang anak nilang sina Alas at Axl ay nasa pangangalaga ngayon ng nanay nitong si Liezl Sicangco.

Anyway, masaya kami para sa pagbabati nina Aljur at Kylie, pero tila hindi maganda ang dating nito sa netizens na nagsabing parang ginamit lang nila ang socmed para mag-ingay at mapag-usapan.

May mga nabasa kaming komento mula sa netizens tulad na lang ng nagsabing, “Matapos mag drama sa socmed, eh magbabati din pala. Parang mga ewan, never post your issues online, magmumukha kayong mga uhaw sa atensyon.”

“Band aid lang to. May mas malalaim na problema. Sige push nyo yang socmed posts nyo.”

“Kaya yun mahilig magpost ng problema sa social media dapat nag iisip muna. nakakahiya lang kapag ayos na…alam ng lahat ano isyu nyo.”

Ipinagtanggol naman ng isang netizen ang mag-asawa, “Wala naman silang confirmation tayo lang nag assume na may problema sila. Kung meron man nging problem wala naman pinost na nakakasira sa isat isa.”

“This is why I prefer artistas who are low key and private at hindi nagkakalat sa social media.”

Masaya naman ang iba kung totoong nagkabati na sina Aljur at Kylie.

“I’ll be happy to know na nagkaayos na sila sa dami na ng pinagdaanan ng relasyon nila eversince sana maging matatag at huwag padalusdalos.

“They are obviously very much in love pero kung minsan being in love is not the end all and be all of a relationship. Kailangan ng tamang timpla give and take and God in the center of their relationship and of course isaalang alang ang mga kids.”

“Agree with the advice to keep your private issues private. Sure, every couple fights, but it’s only a handful that you see overly sharing and spewing on social media. It’s quite cringer especially when they then get uppity about gossips.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you don’t want people talking about your business, stop posting attention seeking stuff. Oops this isn’t for Kylie, more for some people on my feed that are becoming too annoying these days.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending