Rica nagpadagdag ng boobs sa edad na 18, pero pinatanggal din; grabeng magyosi at uminom noon | Bandera

Rica nagpadagdag ng boobs sa edad na 18, pero pinatanggal din; grabeng magyosi at uminom noon

Ervin Santiago |February 24,2021
facebook
share this

Rica nagpadagdag ng boobs sa edad na 18, pero pinatanggal din; grabeng magyosi at uminom noon

Ervin Santiago - February 24, 2021 - 09:14 AM
SA edad na 18, nagdesisyon si Rica Peralejo na magpadagdag ng dibdib bilang paghahanda noon sa pagsabak niya sa pagpapaseksi.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, sinagot ng hindi na aktibong aktres ang ilang kontrobersyal na tanong  at comments mula sa mga followers niya sa social media.

Bukod nga sa mga pasabog niyang rebelasyon tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Piolo Pascual mahigit 10 na ang nakararaan, ibinahagi rin niya ang dahilan kung bakit siya pumayag na maging “sexy star”.

“Like many things in my life, I really don’t make decisions. What I mean about that is parang nagpo-flow in and out of things lang ako,” simulang pahayag ni Rica sa kanyang vlog.

Ayon sa kanya, sinabihan siya ng ilang taong namamahala sa kanyang career na kailangan na niyang baguhin ang image “for her to be able survive.”

“One way that they saw this happening was if I took on more mature roles.

“That means I really bared some parts of my body and did some really horrifying, not-so-proud-of things on screen just so we can give something to our producers for a movie,” paliwanag pa niya.

At dito na nga siya sumailalim sa breast augmentation ngunit pinatanggal din niya makalipas ang ilang taon.

“Yes! When I was 18, nagpalagay ako ng boobs. There was a question on my Instagram account asking me, ‘Did you have a breast reduction?’

“And then I said, ‘Yes’. Because that’s true, I had my breasts augmented. So I have my implants, and I had them removed in 2017,” dagdag pa niyang chika.

Agad namang nilinaw ni Rica na wala siyang issue sa mga nagpapadagdag ng dibdib, ngunit para sa kanya habang dumadaan ang panahon, na-realize niya na hindi pala niya ito kailangan at natutunan na niyang mahalin at tanggapin kung ano lang ang meron siya.

“After how many years, I understood na hindi ko pala talaga kailangan ‘to. ‘Saka hindi pala ako ‘to. I have nothing against those who ano ha, ‘yung mga nagpa-boob job and all.

“It’s just that kapag nire-recall ko kung ano ba talagang reason ko, hindi ko maintindihan. Hindi ko maalala bakit ko ginusto ‘yun. Ipatanggal na lang natin!

“And so I had it removed, and I felt so much peace after that. It felt like ito pala talaga ako and ito pala talaga yung katawan ko,” aniya pa.

May mga ginawa rin si Rica noong kabataan niya na hindi niya pwedeng ika-proud tulad ng pagyoyosi at pag-inom. Ngunit aniya, dahil sa mga eksenang ito sa buhay nita natuto siyang maging responsable, lalo na sa pag-aalaga sa kanyang kalusugan.

“I would smoke two packs of Marlboro reds before every day. Naubos ko ‘yun. I would have a lit cigarette in my mouth before I would open my eyes. Kaya nagkakasakit ako that time, nawawalan ako ng boses ganyan.

“And totoo rin yung sa alak, talagang nilulunod ko yung sarili ko sa pag-inom, ginawa ko talaga yun para lunurin din yung mga problema mo. Makakatulog ka na lang pero alam mong deep inside there’s something wrong sa heart mo,” pag-amin pa ni Rica.

“I’m glad that I found God and that he had been, all this time, trying to pursue me,” lahad pa ng aktres.

Sa ngayon, wala pa ring balak bumalik sa showbiz si Rica dahil nais muna niyang asikasuhin ang kanyang asawang pastor na si Joseph Bonifacio at ang dalawa nilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last Jan. 30, nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang 11th wedding anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending