Gina Pareño napaiyak sa presscon ng 'Tililing', TikTok naging gamot sa anxiety attack | Bandera

Gina Pareño napaiyak sa presscon ng ‘Tililing’, TikTok naging gamot sa anxiety attack

Ervin Santiago |February 24,2021
facebook
share this

Gina Pareño napaiyak sa presscon ng ‘Tililing’, TikTok naging gamot sa anxiety attack

Ervin Santiago - February 24, 2021 - 09:13 AM
HINDI napigilan ng award-winning veteran actress na si Gina Pareño ang mapaiyak sa digital presscon ng pelikulang “Tililing” kamakailan.

Sobrang na-touch kasi ang magaling na aktres sa mga papuring ibinigay sa kanya ng direktor nila sa movie na si Darryl Yap.

Sinabi kasi ng kontrobersyal na direktor na ang mga artistang tulad ni Gina Pareño ang dapat binibigyan ng pagpupugay at pagpapahalaga sa movie industry dahil sa patuloy na dedikasyon nito bilang alagad ng sining.

“Gustung-gusto ko at respetado ko ang aking direktor. Naiiba rin siya sa mga nakatrabaho ko sa pelikula. Magaling siya at alam niya ang kanyang ginagawa. At mahal ko ang pelikulang ‘Tililing’, yun lamang po,” pahayag ng beteranang aktres.

Samantala, natanong naman kung may nagawa na siyang kabaliwan sa buhay tulad ng ginampanan niyang karakter sa bagong pelikula ng Viva Films.

“I don’t think na may nagawa akong kabaliwan sa buhay ko. Hindi pa rin naman ako nababaliw sa pag-ibig. Dahil mahal kita, walang baliw ‘yon. Talagang honestly mahal kita,” tugon niya.

Ngunit inamin ni Gina na na-feel niya ang “pagkabaliw” noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng Covid-19 pandemic, lalo pa’t senior citizen na siya at kasama sa mga sektor sa lipunan na pinagbabawalang lumabas.

Dahil dito, natigil din ang kanyang pagtatrabaho hanggang sa matuto na nga siyang mag-TikTok na isa sa mga naging daan para maibsan ang nararamdamang anxiety.

“Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako. Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay, e, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon.

“Nakaka-communicate ako sa kanilang lahat (followers niya) kaya masarap sa pakiramdam yun. At least, nakakaarte ka pa rin,” pahayag ng veteran actress at movie icon.

In fairness, isa ngayon ang aktres sa iilang senior citizen na sikat na sikat ngayon sa TikTok. Sa ngayon, meron na siyang 1.6 million followers at three million accumulated views sa kanyang dalawang TikTok videos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sabay na ipalalabas sa sinehan at Vivamax ang “Tililing” ngayong March 5. Mag-subscribe na sa  www.vivamax.net o kaya ay i-download ang  VIVAMAX app sa Google Play. Makakasama rin ni Gina sa movie sina Candy Pangilinan, Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana, Chad Kinis at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending