Mister ni Ai Ai nakabili ng mamahaling sasakyan: Nagulat ako, pinakitaan ako ng naipon niya! | Bandera

Mister ni Ai Ai nakabili ng mamahaling sasakyan: Nagulat ako, pinakitaan ako ng naipon niya!

Ervin Santiago |February 22,2021
facebook
share this

Mister ni Ai Ai nakabili ng mamahaling sasakyan: Nagulat ako, pinakitaan ako ng naipon niya!

Ervin Santiago - February 22, 2021 - 09:12 AM

IBINANDERA sa buong universe ng Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas ang pinakabagong achievement ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Ayon kay Ai Ai, nakabili na rin sa wakas si Gerald ng bonggang sasakyan (Mercedes-Benz) mula sa sarili nitong ipon.

Sa Instagram, ikinuwento ng Comedy Concert Queen kung paanong pagpupursigi ang ginawa ng asawa para matupad ang pangarap nitong mabili ang kanyang dream car. Nabanggit pa niya rito ang pagiging effective sa kanila ng Law of Attraction.

Narito ang ilang bahagi ng IG post ni Ai Ai, “LAW OF ATTRACTION! Flex ko lang and asawa kong masipag at determinado sa buhay. Nakakatuwa tong tao na to pag sinabi nya mangyayare talaga nagugulat na lang ako.”

Nagpasalamat din ang komedyana sa mga may-ari ng isang dimsum company dahil sa online franchise business concept nito na siyang pinagkaabalahan ni Gerald noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng pandemya.

“At higit sa lahat sa ating panginoong DYOS na laging naka gabay sa amin mag asawa at sa mga blessings nya samen.

“At syempre dapat magpasalamat sya saken na pinayagan ko syang bumili kasi nakita ko naman paano sya maghirap sa araw araw mag puyat sa presentation para sa maga bagong franchisee walang oras puyat to the max dahil ibang franchisee nasa ibang bansa na iba iba oras,” sabi pa ni Ai Ai.

Sabi pa ng Kapuso star, nagsimula lang daw sa joke ang balak ni Gerald na magkaroon ng Mercedes-Benz, “Conversation namin mag asawa simula dec palang nag papa alam na sya

“Gerald: darl bili ako kotse ah…

“Ai Ai: wag ka nga darl may pera ka ba? Magtigil ka NGA.

“Gerald: Meron.

“Ai Ai: Nasan patingin?

“Gerald: Law of attraction (tumatawa).

“January: same converstion may kasama na kong punyeta kasi nakukulitan nako sa kanya ayoko talaga,” sabi pa ni Ai Ai.

Patuloy pa niya, “February 15 –pumayag na din ako gift nya sa sarili nya sabi ko at saka pinakitaan nako ng ipon nya na nagulat ako kay mr law of attraction nyeta may pera pala talaga! hahahaha!

“Sabi ko kaya ako may perang ganyan kasi artista ako… (magaling mag ipon si mr law of attraction).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So eto na nga may benz na ang lolo naten. I AM SO PROUD OF YOU HUSBAND PAWER!!!! @gerald_sibayan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending