Nahihiya ako sa mga ARMY, wala pa akong masyadong alam kaya ayokong magpaka-feelingera | Bandera

Nahihiya ako sa mga ARMY, wala pa akong masyadong alam kaya ayokong magpaka-feelingera

Ervin Santiago |February 21,2021
facebook
share this

Nahihiya ako sa mga ARMY, wala pa akong masyadong alam kaya ayokong magpaka-feelingera

Ervin Santiago - February 21, 2021 - 12:08 PM

ISA na ring certified BTS ARMY ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Ibinandera ng TV host-comedian sa madlang pipol na ibang-iba rin ang epekto sa kanya ng panonood sa mga music video at pakikinig sa mga kanta ng sikat na sikat na South Korean boy group.

Sa kanyang social media accounts, pinasalamatan niya ang ARMYs (ang tawag sa fan group ng BTS) dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya sa nasabing fandom.

“Nahihiya ako sa mga ARMY. Bago palang akong super faney ng BTS and wala pa kong masyadong alam kaya ayokong magpakafeelingera na ARMY ako.

“Pero thankful ako ng severe sa mga nagwewelcome sakin. Ang saya pala talaga no! Chugug!” post ni Vice kanyang Twitter page.

Masaya rin niyang ibinalita na ang pag-aari niyang cosmetics brand ang napili bilang isa sa mga partner ng BT21, ang mga character na binuo para sa LINE by BTS.

“I knew eversince na sobrang big ng BTS and super happy ako na napili nila ang ViceCosmetics para i-collab.

“Pero now ko lang talaga sila napanuod ng bongga and nakilala isa isa. At mas lalo akong naproud na may Vice X BT21 products!  Overwhelmed ako!” mensahe pa ng komedyante.

Samantala, nauna rito, ibinandera nga ni Vice sa isang episode ng “It’s Showtime” na love na love na rin niya ang BTS at talagang naaadik na rin siya sa panonood ng kanilang vlogs at mga TV interview.

“Pinapasaya ako ng BTS, talagang gustung-gusto kong pinanonood ngayon yung mga video nila. Tuwang-tuwa ako sa kanila dahil ang gagaling nila. Kaya my purple heart is very happy,” ani Vice.

Mas lalo pa raw siyang na-happy nang bigyan siya ng mga BTS merchandise na talagang ite-treasure niya nang bonggang-bongga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending