Pagtatayo ng snake bite center sa Bukidnon ipinanukala ni Bong Go | Bandera

Pagtatayo ng snake bite center sa Bukidnon ipinanukala ni Bong Go

- February 20, 2021 - 07:22 AM

Bong Go

Pinag-aaralan na ng Department of Health ang posibleng pagtatayo ng snake bite center sa Bukidnon, ayon kay Senator Christopher “Bong” Go.

“Nakausap ko kagabi si Secretary Duque at pag-aralan nila ang posibilidad na maglagay ng snake bite center,” ayon kay Go. Tinutukoy niya ay si Health Secretary Francisco Duque III.

Ang panukalang ito ay kasunod ng hinaing ng mga residente sa lalawigan na ang mga nabibiktima ng kagat ng ahas ay kinakailangan pang ibiyahe patungong Cagayan de Oro City para magamot.

Dahil sa layo ng lalakbayin, sinabi ng mga residente na may mga pasyenteng nasasawi na habang nasa biyahe pa lamang.

Sinabi ni Go, na nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga Lumad na residentea sa Kibawe, Bukidnon, na kritikal ang oras na binibilang kapag nakagat ng ahas kaya mahalagang magkaroon ng malapit na snake bite center.

“May snake bite na medyo poisonous, critical ang oras na binibilang, so ngayon kung kailangan… handa po ako tumulong,” ayon pa kay Go.

Noong 2019, dose-dosenang king cobras ang napatay sa bansa base sa datos ng Philippine Center for Terrestrial and Aquatic Research.

Noong nakaraang buwan, isang sanggol ang nasawi sa San Isidro, Davao del Norte matapos matuklaw ng ahas.

Noong 2020 naman, isang apat na taong gulang na batang babae ang pumanaw matapos atakihin ng king cobra sa Barangay Malagos, Baguio District, Davao City.

Isang magsasaka din sa Davao del Sur ang nasawi sa kagat ng ahas noong 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nasabing aktibidad, hinikayat din ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Centers na nasa Northern Mindanao Medical Center at JR Borja General Hospital sa Cagayan de Oro City para sa kanilang pangangailangang medikal.

“May Malasakit Center naman tayo sa Cagayan, dalawa yan. Maglalagay din tayo sa Bukidnon at dagdag sa Davao din po. Sasaluhin po namin kayo kung kailangan kayo ma-admit,” ayon kay Go.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending