Kanino takot si Daniel: Sa gagamba o kay Kathryn? | Bandera

Kanino takot si Daniel: Sa gagamba o kay Kathryn?

Reggee Bonoan |February 20,2021
facebook
share this

Kanino takot si Daniel: Sa gagamba o kay Kathryn?

Reggee Bonoan - February 20, 2021 - 02:46 PM

 

Takot pala sa gagamba si Daniel Padilla. Pero dahil sa kasintahang si Kathryn Bernardo ay kailangan nitong i-conquer ang fear niya.

Usapang gagamba at relasyon ni DJ kay Kath ang tsikahan nina Zanjoe Marudo at Hyubs Azarcon sa kanilang YouTube channel na in-upload nitong Biyernes ng tanghali.

Walang binanggit na dahilan kung bakit napadpad ang KathNiel sa resthouse ni Zanjoe sa Batangas pero alam namin ay matagal ng magkaibigan ang dalawang aktor dahil mahilig silang mag-motor.

Anyway, tinanong ni Huybs si Daniel kung takot pa rin siya sa gagamba.

“Hindi ako takot sa gagamba, nirerespeto ko lang ang mga (insekto),” naputol na sagot ng aktor.

Hirit pa ni Hyubs, “Kanino ka takot sa gagamba o kay Kathryn?”

Hagalpakan ng tawa ang lahat lalo na si Daniel na napalingon pa sa likod kung saan naroon ang girlfriend, (natakot, kinabahan agad (narinig din ang tawa ng aktres na nasa likod ng boyfriend).

Nakitang naglakad din si Kathryn na pumunta sa bandang unahan.

“Na-trauma ka sa gagamba o kay Kathryn ka na-truma,” pangungulit  ulit ni Hyubs.

Tawa nang tawa sina DJ at Zanjoe na hindi nagpapakita sa camera.

“Pero siguro hindi na ngayon. Ganu’n pa rin ba katakot ‘to. Ganu’n pa rin ba katakot ‘to kay spider?” tanong ni Hyubs kay Kathryn.

“Hindi na masyado,” natawang sabi ng aktres.

Sabi agad ni DJ, “Na-conquer ko na ‘yung fear na ‘yun. Sabi dami ng pinagdaanan sa buhay ko, ‘yung gagamba wala na.

“Kunyari may gagamba sa banyo. Sino bang tatawagin ni Kathryn, ako rin naman di ba?” katwiran ng aktor.

Nagkatawanan sina Zanjoe, Hyubs at DJ.

“Wala kang no choice, eh,”sabi ni Zanjoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Puwede ba ‘yung ako pa ang takot? Hindi pupuwede ‘yun, ang labo naman no’n,” tumatawang katwiran ng boyfriend ni Kat.

Maya-maya ay nagpaalam na ang KathNiel kina Zanjoe at Hyubs at binati sila ng Happy Valentine na sa feeling namin ay baka nag-road trip ang magkasintahan patungong Batangas at dumaan sila sa resthouse ni Z.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending