Karina, Aljon umamin na: Yung level ng friendship namin parang nagkaroon ng ibang dimension
IN fairness, unti-unti na ring nakakagawa ng sarili nilang pangalan at tatak ang Kapamilya young loveteam na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista.
Kilalang-kilala na ngayon ang tambalang KarJon na nabuo rin sa “Pinoy Big Brother” noong 2018. May sarili na rin sila ngayong hukbo ng mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang career.
At ngayon nga ay nagbabalik ang dalawa bilang “Bida Star Gandang Naturally Fresh” host na napapanood sa Star Hunt at Star Magic Facebook and YouTube accounts.
Sa nakaraang virtual mediacon para sa “Bida Star” natanong sina Aljon at Karina kung ano naman ang mase-share nilang advice sa mga kabataang nangangarap ding pumasok sa showbiz.
Sabi ni Aljon, “Keep striving at saka huwag kayong makuntento sa nagagawa niyo kasi ang pag-learn at pag grow, continuous yan eh. So akala mo nasa best mo na ikaw pero hindi pa pala kaya kailangan mo lagi i-stretch yung limits mo, yung kaya mo.
“Kaya maniwala ka lagi sa sarili mo. At siyempre huwag ka mawalan ng pag-asa fighting. At huwag mo sayangin yung talent mo. If ever gusto mo mag-audition, if ever gusto mo ma-enhance yung talent mo, go. Huwag mo hayaang masayang nag talent mo,” sabi pa ng young actor-host.
Sey naman ni Karina, “Kasi when you’re in the industry, ang daming bumubulong sa ‘yo, your supporters, your family, everything’s going to change, your environment, your friends will be different now.
“There will be a new set of people na iba yung galaw, iba sa nakasanayan mo. Ang daming papasok sa utak mo then you’ll be very nervous, anxious, conscious, and ang dami. Ang dami ding magbabago sa ‘yo,” lahad ng dalaga.
Dagdag pa niya, “But then, parang ang pinaka kailangan mo talaga pakinggan is yung self mo. it’s important na hindi ka mawala in the process. Kasi pag mawala ka, parang mas lalong wala kang pupuntahan.
“The bashers are there but the supporters are there. Supporters can turn into bashers, bashers can turn into supporters, so ang daming puwedeng mangyari.
“So it’s really nasa loob mo to stay strong and continue to be your best, to do your work regardless kung ano ang sabihin ng ibang tao,” paliwanag ni Karina.
Naibahagi rin ng dalawang bagets ang para sa kanila’y pinakamatinding challenges na hinarap nila noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz lalo na nu’ng nakalabas na sila sa Bahay ni Kuya.
“I think it’s not a secret naman what we’ve been through. The biggest challenge was a lot of misunderstandings along the way and yung pagbe-vent namin through a lot of platforms, ganyan.
“Actually, it has been a great experience na after nun parang we realized kung gaano talaga ka-importante ang communication and the respect for one another. And the honest din of course.
“Naging way siya para ma-enlighten pa kami. Talagang mas tumatak sa amin kung ano ba talaga yung gusto namin, why are we doing this, is this for the career, is this what we want for ourselves? And of course, we draw lines naman between work and personal life,” mahabang paliwanag ni Karina.
Kuwento naman ni Aljon, “Yung biggest na naging problem is yung latest, basta nagka-misunderstanding nga kami. Pero para sa akin, yun ang part ng pag-grow namin.
“May natutunan kami and tatatak talaga sa amin yun. Mas naging strong yung aming samahan after ng mga misunderstanding na yun, yung level ng friendship namin is parang iba eh, parang nagkaroon ng ibang dimension. So nae-enjoy ko ngayon ibang level siya,” aniya pa.
Sabi pa ni Karina, mas tumatag daw ang professional relationship nila ni Aljon dahil sa mga pinagdaanan nila, “Kasi feeling ko hindi naman kayo magkakaaway kung hindi kayo close, kung hindi ganu’n kaano yung relationship niyo.
“Kasi kung strangers kayo I don’t think you’ll fight. It means you have a deeper connection that’s why you fight and of course mas lalalim pa kung mao-overcome niyo yun,” esplika pa ng young actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.