Baguhang aktor ginagastusan ng sugar mommy; bumili ng big bike sa halagang P500k | Bandera

Baguhang aktor ginagastusan ng sugar mommy; bumili ng big bike sa halagang P500k

Reggee Bonoan - February 17, 2021 - 02:03 PM

LAKING gulat ng mga taong nakapaligid sa isang baguhang aktor na bumili ng mamahaling big bike na umabot sa kalahating milyon ang presyo.

Ang reaksyon nila, hindi pa naman daw kasi ganu’n kalaki ang tinatanggap nitong talent fee, kahit isama pa ang pelikulang nagawa na niya

Bukod dito ay nag-aabot pa ang baguhang aktor sa pamilya niya kaya nagtataka rin ang ilang taong nakakakilala sa kanya na nakabili na ito ng mamahaling big bike.

At dahil maraming accessories din na ipinalagay ang baguhang aktor sa biniling mamahaling motor ay tuwang-tuwa siya at inabutan ng P50,000 na tip ang manager ng tindahang pinagbilhan nito.

Natulala rin ang ibang nakaalam sa bonggang tip na ibinigay ng baguhang aktor kaya takang-taka sila kung saan siya kumukuha ng pera samantalang nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“E di, siyempre sa kanyang azucarera de mama? May everyday allowance siya roon,” sabi ng source namin na ang tinutukoy nga ay ang taong sumusuporta ngayon sa aktor.

Hindi lang ito ang kuwento tungkol sa baguhang aktor, may mga bonggang paandar din daw ito kapag nasa nagtatrabaho.

“Sa shooting ng pelikula niya ayaw niyang kumain ng food mula sa catering, nagpapabili siya ng sarili niyang food mula sa kilalang steak restaurant.

“Mahilig daw siya sa steak. E, siyempre ano naman ang aasahan mo sa lock-in shooting siyempre tipid-tipiran ang drama ng producers.

“Kung may karne man hindi naman steak para sa lahat. E, hayun type niya lagi steak kaya sarili niyang gastos,” kuwento pa sa amin.

At mapera nga raw si baguhang aktor dahil anything na gustuhin niya ay nabibili niya na parang hindi naman na raw niya kailangang mag-work kasi ang baba ng talent fee niya kung ikukumpara sa gastos niya araw-araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, malaki ang natatanggap niyang allowance sa taong “nag-aalaga” sa kanya para ma-afford niya ang mga luho niya sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending