Arci madaling naka-move on sa ex-dyowa dahil sa BTS, nagpa-tattoo sa Korea
NANG dahil sa sikat na sikat ngayong K-pop group na BTS, mas madaling naka-move on si Arci Muñoz sa paghihiwalay nila noon ng kanyang ex-boyfriend.
Inamin ng Kapamilya actress na matindi ang naging epekto sa buhay niya ng Korean boy group kaya naman grabe rin ang pasasalamat at pagmamahal niya sa mga ito.
“They really touched my life in so many levels,” ang pahayag ni Arci sa panayam ng “Magandang Buhay.”
“I don’t know the reason kung bakit ako dinirek nila Lord sa kanila. ‘Yun pala magiging source of happiness ko sila, kasi hinahanda niya ako sa break-up,” pag-amin pa niya bilang isang die hard BTS fan.
Aniya pa, talagang nakakalimutan niya ang kanyang mga problema at mga hugot sa buhay kapag napapanood niya ang grupo at napapakinggan ang kanilang mga kanta.
“At first I really don’t know what to expect kung bakit I was stanning this group so hard.
“Then I realized they make me so happy, they really make me so happy that I tend to forget all my problems. And for sure a lot of ARMYs out there can relate that they really touched my life in so many levels.”
Dagdag pa niya, napaka-inspirational ng naging journey ng BTS sa entertainment industry, mula sa kanilang pagsisimula hanggang sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon hindi lang sa Korea kundi maging sa iba’t ibang bahagi pa ng mundo.
“Kapag pinanood mo sila you will see this very glamorous, very talented, ganda ng music videos. You will see their other side kasi they have a variety show which is called ‘Run BTS.’
“So you will see the other side of them na they are just boys who want to have fun, very talented, very inspirational because they also came from like the bottom,” kuwento ng dalaga na mukhang hindi pa talaga natatagpuan ang kanyang “the one.”
“When they’d been launched parang medyo naging underdog sila. So it’s just inspiring na itong simpleng kids and boys ngayon is ruling the world of entertainment,” chika pa ng aktres.
Kung matatandaan, noong 2019, talagang lumipad pa patungong South Korea ang dalaga para manood ng BTS concert. Ito raw yung time na nabigo uli siya sa pag-ibig.
“Ipina-tattoo ko ito sa Korea, ibig sabihin love yourself. So during that time that I was going through my heartbreak parang sabi ko, it’s time for me to love myself talaga muna.
“So ibang meaning talaga ‘yung bawat words, and lyrics and their music in my life. So talagang tinamaan ako during that time. In three months nakalimang bansa ako para lang manood sa kanila. Grabe ang lala!” pag-alala pa ni Arci.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.