Tipo ng lalaki ni Julia: moreno, naka-leather jacket, probinsyano...Coco ikaw ba 'to? | Bandera

Tipo ng lalaki ni Julia: moreno, naka-leather jacket, probinsyano…Coco ikaw ba ‘to?

Reggee Bonoan - February 16, 2021 - 03:47 PM

UNTI-UNTI nang nagbibigay ng mga clue si Julia Montes tungkol sa taong nagpapasaya sa kanya.

Naaaliw kami sa ginagawang ito ng dalaga, para nga naman may subaybayan pa rin ang publiko sa kanya since hindi pa siya bumabalik sa showbiz.

May YouTube channel na rin ang asawa ni Dimples Romana na si Boyet at si Julia nga ang guest niya para sa kanyang Lie Detector Extreme challange na simula palang ay kabado na dahil unang beses niya itong gagawin.

Bata palang daw si Julia ay malapit na siya sa mag-asawang Boyet at Dimples kaya madalas din itong pumunta sa bahay nila kahit anong oras kapag gustong kumain dahil masarap nga raw magluto ang mag-asawa.

Bago magsimula ay nasambit ng dalaga, “Alam n’yo hindi pawisin ang kamay ko pero pinapawisan na.”

Paanong hindi siya papawisan, e, ang unang tanong agad ay lalaking nakasando o naka-leather jacket?

Halata naman kung sino ang tinutukoy kaya natawa ang aktres, “Teka lang, nate-tense ako. Leather jacket.” Pero nakuryete ang dalaga sa lie detector gadget.

Ibig sabihin ay nagsinungaling siya pero kaagad naman siyang ipinagtanggol ni Dimples na nasa background, “Baka naman nakasando sa ilalim ng leather jacket.” At nagkatawanan ang tatlo.

Natawa nitong sabi, “Yari ako! Sando pala ha.”

“Parang mas yari ako,” tumatawang sabi naman ni Boyet.

“Mestizo o moreno?” Humagalpak muna ang aktres na pumadyak pa sabay sagot ng, “moreno.”

Hindi na naman totoo ang sinabi ng dalaga dahil nakuryente siya sa ikalawang pagkakataon.

“Uulitin ko ha, laruan lang ‘to ha (lie detector gadget). Hindi totoo ang mga nangyayari dito,” disclaimer ng asawa ni Dimples.

Ano nga ba ang tipo ng aktres, matangkad o sakto lang? “Sakto lang,” saad nito at nakuryente na naman siya sabay sabing, “Ang sakit-sakit na, bakit ganu’n?”

Kinuha ni Julia ang gadget at tsinek, “Alam mo, wala akong itinama sa ‘yo.”

“Inglisero o makata?” “Makata,” mabilis na sabi ni Julia at nakuryente ulit. Sabi pa, “Feeling ko uuwi talaga akong luhaan mamaya kasi masakit na talaga (kanang kamay dahil sa kuryente).

At ito na ang nagpabuking kay Julia, “Manila boy o probinsyano?” Binulungan ni Julia ang gadget, “Umayos ka kundi babasagin talaga kita. Probinsyano,” natawa nitong sabi at nakuryente na naman siya.

Defective nga ang gadget kasi para sa amin ay tama lahat ang mga sagot ni Julia pero lagi siyang nakukuryente. Sabi tuloy ni Boyet, “Huwag kayo basta-basta maniniwala sa mga laruan.”

Hirit ng dalaga, “Kung ayaw ninyong masira ang relasyon ninyo.”

“Trust your girlfriend, boyfriend, asawa. Kaya ako na lang ang sasagot ulit (para walang ground),” pahayag ni Boyet.

Hmmmm, oo nga nakakasira ng relasyon ang gadget na hindi umaayon sa tamang sagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa amin ang lahat ng binanggit ni Julia kung ano ang tipo niya sa lalaki tulad ng naka-leather jacket, moreno, sakto (height), makata at probinsyano ay nakaturo lahat kay Coco Martin, ang matagal ng alam ng publiko na kasintahan ng dalaga at hinihintay na lang kung kailan sila aamin.

Samantala, nakuha na ni Julia ang mga grado niya sa kursong Marketing Management at isa siyang deans lister.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending