Juday, Ryan sinorpresa ng bonggang V-day pasabog ng 3 anak: Best date evah! | Bandera

Juday, Ryan sinorpresa ng bonggang V-day pasabog ng 3 anak: Best date evah!

Ervin Santiago - February 15, 2021 - 05:13 PM

“BEST date evah!” Ganyan inilarawan ng Kapamilya actress-TV host ang Valentine celebration nila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Talagang kinarir ng kanilang mga anak ang paghahanda ng sorpresa para sa kanilang mag-asawa kahapon, Feb. 14, bilang regalo nila sa Araw ng mga Puso.

Ayon kay Juday, kanya-kanya ng assignment sina Yohan, Lucho at Luna para sa inihanda nilang surprise dinner sa kanilang bahay

Sa Instagram, ipinost ng Teleserye Queen ang ilang litrato nila ni Ryan na kuha nga sa kanilang dinner date. Dito makikita ang bonggang table set-up at ang mga pagkaing iniluto ng magkakapatid.

“We have the sweetest kids ️ ️ they surprised us with a lovely home cooked meal complete with sounds, invitation, dinner with candle lights!

“The works! Lucho is the executive chef (he cooked our steak perfectly!) ate Yo is the pastry chef ( she made peanut butter ala mode) and Luna as the lady guard who also made the truffle pasta (ginalingan e!

“Binantayan pala kami habang natutulog!) truly the BEST DATE EVAH! Thank you Lord for blessing us with such wonderful kids!” ang caption ni Judy Ann sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin ni Ryan sa kanyang Instagram account ang ilang eksena sa Valentine surprise ng kanilang mga anak. Aniya, tagumpay ang mga ito sa pagsorpresa sa kanila ni Juday.

“Best Valentines Evah ️at the R.O.R-Restaurant of Romance The Chef, Pastry Chef and Lady Guard,” sey ng “Eat Bulaga” host sa kanyang IG post.

Ikinasal sina Ryan at Juday noong 2009 na siya ring taon nang pag-adopt nila sa kanilang eldest daughter na si Yohan shortly. Ipinanganak naman si Lucho noong 2010 at sinundan nga ng pagsilang ng bunso nilang si Luna noong 2016.

Isa sa mga maituturing na pinakamatibay at pinakamatatag na young couples sa showbiz ang pagsasama ng dalawa at marami sa mga artistang tulad nila ang nagsasabi na sana’y maging katulad din ng relasyon nina Ryan at Juday ang kanilang future.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending