Pagbisita ni Pacquiao sa show ni Willie senyales na nga bang tatakbong presidente sa 2022?
TRULILI nga kaya ang tsikang kakandidato sa pagka-Presidente si Sen. Manny Pacquiao?
Kaya namin ito nasabi ay dahil visible na siya sa paglilibot sa bansa para mamahagi ng tulong at ang latest nga ay ang pagpunta niya sa programang “Wowowin” ni Willie Revillame para makipagkuwentuhan sa TV host.
Ibinuking ni Willie na sa ilang laban ng senador noon sa Las Vegas ay lagi siyang imbitado ng People’s Champ at VIP talaga ang trato sa kanya at hatid-sundo siya sa hotel na tinutuluyan ng limousine mismo ni Pacman.
Nakikinig naman ang senador sa mga kuwento ni Willie na puring-puri siya at sinabi ng senador na malapit talaga siya sa tao lalo’t ikinuwento nito ang kanyang payak na pinagmulan.
Katakut-takot na hirap ang nadaanan niya bago nakilala sa buong mundo bilang boxing champ na may 12 major titles sa iba’t ibang weight divisions simula noong 1995.
Kaya maraming may gusto kay Sen. Manny ay dahil marami siyang natutulungan na ang iba ay nasusulat at ang iba naman ay hindi.
Wala ring nababalitang isyu na nangungurakot siya dahil alam naman ng lahat na ang ipinamimigay niya sa tao ay galing sa kinita niya sa pagboboksing.
Anyway, pinag-host ni Willie si Pacman sa “Wowowin” na siya mismo ang sumagot sa masuwerteng nabunot ang mga numero na mananalo ng P30,000 mula sa programa.
Mas lalo pang sinuwerte ang mga nanalo dahil dinagdagan ni Sen. Manny ng P20,000 ang lahat ng nanalo kaya sumatotal ay P50,000 ang matatanggap nila.
Kaya abut-abot ang pasasalamat at tuwa ng lahat ng viewers na nanalo kina Willie at Sen. Manny sa biyayang natanggap nila ng araw na iyon.
Tulad ni Pacquiao, ay isa rin si Willie sa mga namahagi ng tulong sa mga nawalan ng trabaho nu’ng kasagsagan ng lockdown at hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto ang TV host sa pagbibigay ng ayuda sa mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.