Vina may bagong dyowa: Gusto ko namang makasal, pero ayoko na ring umasa | Bandera

Vina may bagong dyowa: Gusto ko namang makasal, pero ayoko na ring umasa

Ervin Santiago - February 15, 2021 - 09:20 AM

UMAASA pa rin si Vina Morales na darating ang araw na ikakasal siya sa taong magmamahal sa kanya nang bonggang-bongga pati na sa anak niyang si Ceana.

Ito ang isa sa ibinahagi ng singer-actress nang sumabak sa lie detector challenge na mapapanood sa latest vlog ng kaibigan niyang si Aiko Melendez.

Isa sa mga tanong sa kanya ni Aiko ay kung may karelasyon ba siya ngayon. Inamin naman ni Vina na may inspirasyon siya na hindi taga-showbiz pero tumanggi na siyang magdetalye.

Natuto na raw kasi siya sa past relationships niya kaya hangga’t maaari ay nais muna niyang gawing pribado ang tungkol sa kanyang lovelife para iwas tsismis at intriga.

“Mahirap kasi ngayon. Kasi mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko.

“Pero nagkaroon ng maraming intriga. So better na ‘yung mas tahimik ngayon. Hindi naman artista ang nagpapa-inspire sa akin,” paliwanag ng aktres.

Aniya pa, “Ako kasi, ang hirap din kasi maging open din masyado kasi wala namang assurance pa eh. Kung talagang para sa’yo, kung talagang kayo.

“Mahirap pa kasi. Unlike sa inyo, very open sa nararamdaman niyong dalawa sa isa’t isa.

“Alam mo tuwing nakikita ko nga, sinasabi ko sa post mo, ano ba ‘yan, grabe naman ‘yung masyadong nakaka-inlove, nakaka-sana all. Hindi pa ako sa point na ganu’n. So I guess better na medyo ganito na lang muna. Mas tahimik,” dagdag pa ni Vina.

At sa question ni Aiko kung may plano pa ba siyang magpakasal in the future, “Yes. Handa naman. Kasi I’ve never been married. Gusto ko naman makasal.

“Kaso ngayon kasi, ayoko na ring umasa. Basta kung ano na lang ‘yung meant for me, kung wala ako, if I won’t be able to get married, kung hindi ko maranasan ‘yan, okay lang din sa akin.

“Parang open naman ako to anything, ‘di ba? Life goes on with or without anyone,” pag-amin pa niya.

“Of course, mas masarap ‘yung feeling na may inspirasyon ka or parang hopeful ka pa rin na someday ikasal ka.

“But then, kung hindi talaga para sa atin, wala akong magagawa, ‘di ba? I cannot really push things to happen or ipagpilitan ‘yung ganu’ng situation na hindi naman talaga para sa atin,” patuloy pang paliwanag ng aktres at singer.

Ngunit ipinagdiinan din niya na kahit wala siyang karelasyon at kahit hindi siya ikasal buong-buo pa rin ang pagkatao niya dahil sa kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta ako, I’m whole na because of Ceana, may Ceana ako. ‘Yun lang ang importante saken. Kasi naging buo naman ako without anyone,” lahad pa ni Vina Morales.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending