Payo ni Gelli sa mga may dyowa: Pag lumalabas ang kasamaan ng ugali, dapat magisip ka na
ISA sa matitibay na mag-asawa sa mundo ng showbiz at talagang mamarakahan mo ng hashtag #CoupleGoals” ay ang celebrity couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen.
In fairness, tahimik ang kanilang pagsasama at wala kang maririnig na anumang tsismis o kanegahang chika about their married life kaya naman marami ang nagsasabi na idol nila ang mag-asawa pagdating sa pag-handle ng relasyon.
Ayon kay Gelli, sa loob ng 23 taon nilang pagsasama ni Ariel bilang husband and wife, hindi lang naman daw “love” ang nagpapatatag sa samahan nila, marami pang ibang factors ang dapat isaalang-alang.
“Ang sakto lang kasi na you find somebody who is best for you, who brings out the best in you.
“So if you find na one of these days na parang mabigat, lumalabas ang kasamaan ng ugali, parang dapat mag-isip-isip ka, ano ba ang nangyayari?
Respect is such a big deal,” pahayag ni Gelli sa panayam ng press recently sa mediacon ng bagong iWanTFC digital series na “Unloving U” na pinagbibidahan ng reel and real life couple rin na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Of course you love each other pero if you do not respect each other, if you don’t trust each other then all that love is useless.
“You have to be able to willing to give it your all and not expect anything in return. Yung sinasabi nilang unconditional love, hindi yun cliche, totohanin mo yun. Kasi pag mahal mo ang isang tao ibibigay mo lahat,” pagbabahagi pa ni Gelli.
Ngayong Valentine’s day, pinayuhan din niya ang lahat ng Pinoy ipagdiwang ang araw na ito kahit zero ang lovelife, may pandemya man o wala.
“Kailangan nating gawan ng impact. There’s always room for celebration when it comes to love. Dumaan man ang pandemya, dumaan man ang war, kailangan nating bigyan ng space ang pag-celebrate ng pag-ibig.
“It doesn’t have to be a romantic love, just love yourself. I-celebrate mo na mahal mo sarili mo, i-celebrate mo ang possibility na puwede kang magkaroon ng romantic love one of these days. We should always find an excuse to celebrate love,” sey pa ni Gelli.
Samantala, puring-puri rin niya sina Ronnie at Loisa bilang mga artista, lalo na ang pagiging professional ng mga ito at dedikasyon sa trabaho.
“Kung hindi mo titingnan at ipo-focus ang attention mo sa kanilang dalawa, hindi mo talaga mapapansin na talagang sila but it’s when they are quiet and on the side, du’n mo mararamdaman yung konting nuances na sila pa.
“I was more of looking at the younger kids and observing kung papaano sila dahil alam niyo naman been there, done that so tinitingnan ko kung paano sila.
“And you know what’s nice with them is even if they’re working together, kasi minsan ang problema sa ganyan, I’m sure all of you know ang nangyayari pag nag-away lagot. Kapag may problema damay lahat.
“Pero sila talaga they’re very professional. Kapag tinawag mo ang isa, nandiyan na sila kahit hindi mo pa tawagin ng dalawang beses. They’re always prepared and I appreciated that.
“Sometimes kasi when you’re working with somebody your very, very comfortable with, you let go of a lot of things but they were on their toes and I appreciated that,” kuwento pa niya.
May maibibigay ba siyang advice o mga tips sa dalawa pagdating sa pakikipagrelasyon, “Siguro I’m coming from somewhere na 23 years nang kasal kaya nasasabi ko ito pero for them as young as them, sakto sa akin na nagrerespetuhan sila at they trust each other.
“Eventually everything will follow as long as you really work at it. It never ends. Walang happy ending pagkatapos ng kasal. Kailangan pinagtratrabahuan mo talaga yung relationship,” advice pa ni Gelli sa young Kapamilya couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.