Tita Pilita jojowain si Richard, Daniel at handang magpabuntis kay Gerald
Nakakatuwa ang nag–iisang Asia’s Queen of Songs na si Ms Pilita Corrales dahil halos lahat ng mga aktor na binanggit ni Vina Morales sa Jojowain at Totropahin challenge ay gustong maging jowa maliban lang kay Luis Manzano na tropa lang dahil sobrang nice nito na hindi niya maisip na jowain.
Ipinaliwanag muna nina Vina at Kitkat Favia kung ano ang jojowain at totropahin kay Ms Pilita dahil hindi pa niya alam kung ano ito.
Ginanap ang challenge sa standby area ng sitcom na Kesayasaya na napapanood sa NET 25 tuwing Linggo, 6:30PM. Napag-tripan ni Vina na tanungin ang veteran actress sa nauusong challenge ngayon.
Ang unang binanggit ni Kitkat, “Eddie Gutierrez.”
Mabilis na sagot ng mama ni Ramon Christopher, “Ay jojowain!”
“Pa rin?” natawang sabi ni Kitkat habang kinikilig naman si Vina.
Si Eddie ang tatay ni Ramon Christopher at 16 years old na noon ang aktor nang makita at makilala ang ama.
Binanggit ni Vina ang namayapang Eddie Garcia, “I knew him but not very well, totropahin,” saad ng veteran singer.
Hirit ni Kitkat, “Ronaldo Valdez.”
“Ronaldo Valdez? Hindi siya lumigaw sa akin (tila masama pa ang loob hahaha). Jojowain,” sabay tawa ni Ms Pilita.
Humihiyaw na may kasamang kilig at palakpak ang reaksyon nina Kitkat at Vina.
Si Eddie Rodriguez ang sunod na binanggit ni Vina na wala na rin sa mundo kaya napansin ito ni Kitkat, “Ate Vina lahat ng sinabi mo tegi na, paano niya jojowain?”
Paliwanag naman ni Vina, “Hindi gusto ko kasi malaman nu’ng time nila, kabataan nila, kung jojowain at totropahin ni Tita Pilita.”
At ang sagot ni Ms Pilita, “Magagalit si Carmen Soriano.” Nagkaroon ng relasyon sina Eddie at Carmen noong dekada 70’s. Pero ang hirit pa rin nito, “Jojowain ‘yun, ha, haha.”
“Yung generation ngayon, Daniel Padilla,” tanong ni Vina sa kapwa Visayan singer.
Sandaling inalala ni Ms Pilita ang itsura ni DJ at sabay sabing, “Jojowain ‘yun!”
Say naman ni Kitkat, “Albert Martinez.”
“Albert? Puwede na rin, jojowain,” kaswal na banggit ni Tita Pilita.
E, si Ormoc City Mayor Richard Gomez,” sambit ni Vina.
“Aba dalawang beses na jojowain,” tumawang sabi ng lola ni Janine Gutierrez.
Hagalpak naman ng tawa sina Vina at Kitkat.
Si Derek Ramsay naman ang binanggit ni Kitkat, “ay puwede rin ‘yun, jojowain,” natawang sabi ni Ms Pilita.
Aga Muhlach, “jojowain din,” tumawang sabi ulit.
Siyempre hindi mawawala sa listahan si Piolo Pascual ni Kitkat, “jojowain na lang,” saad ni Ms Pilita.
Dagdag ni Kitkat, John Lloyd, “ay puwede ‘yung jojowain,” magandang ngiting sabi ng mang-aawit.
Binanggit din ni Vina si Gerald Anderson at ang bilis ng sagot ni Ms Pilita, “jojowain, (guwapo sabi ni Vina), yes, jojowain.”
Si Papa Chen, Richard Yap, “Richard Yap? Jojowain ko,” tumawang sabi ni Ms Pilita dahil kababayan din niya sa Cebu, “such a nice person kaya jojowain.”
Sabay tanong Kitkat, “Kunwari ilagay n’yo ang sarili ninyo sa edad nila, sino (jojowain) sabay hirit ni Vina, ‘na puwede kang magpabuntis, ha, hahaha.”
“Ang dami kong gusto, si Gerald Anderson,” walang kagatul-gatol na sagot ni Ms Pilita.
Hiyaw naman sina Vina at Kitkat sa sagot ni Ms Pilita.
Dagdag pa, “Robin Padilla.”
“Ah tita akin po ‘yun, ay kay Mariel po ‘yun,” tawa ng tawang sabi ni Vina.
Sabay bati ni Ms Pilita kay Mariel.
Enrique Gil, “jojowain ko,” gandang ngiting sabi ni Ms Pilita.
Tinanong ni Kitkat si Vina tungkol kay Enrique, “Jojowain ha, haha.”
Hirit ni Vina kya Kitkat, “e, ikaw kay Enrique”
“Dyinowa ko na, eh, ha, ha, ha joke lang,” tumawang sagot ni Kitkat.
Binanggit ni Kitkat si Luis kay Tita Pilita, “Luis Manzano? Ah si Lucky totropahin ko.”
Tropa rin ang sagot ni Vina dahil matagal na raw silang magkaibigan, “friends kami, kaibigan ko talaga ‘yan.”
“And he’s such a nice person, di ba?” sambit ni Ms Pilita.
Abut-abot naman ang pasalamat ni Vina kay Ms Pilita dahil game na game itong sumagot sa lahat ng tanong para sa YouTube channel niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.