Contestant sa It’s Showtime umiyak, isiniwalat ang ginawa ni Vice sa kanyang tatlong anak
Mga staff at pamilya lang ni Vice Ganda ang nakakaalam na may mga pinaaaral siyang hindi niya kaanu-ano. Pero dahil sumali sa Tawag ng Tanghalan ang ama ng tatlong bata na pinag-aaral ng It’s Showtime host ay saka ito nalaman ng publiko.
Kami rin ay nagulat dahil ang alam namin ay mga pamangkin at anak ng ilang kaibigan ang sinasagot ni Vice ang matrikula kasama na ang allowance.
Sa It’s Showtime episode nitong Biyernes, Pebrero 12, ay sinadya ni Ginoong Herbie Pultam na makasali sa Tawag ng Tanghalan para personal nitong mapasalamatan si Vice sa malaking tulong na naibibigay nito sa tatlong anak.
Bulong ng staff ni Vice ay kilala raw niya si Herbie na unang nakita niya sa I Can See Your Voice.
Ayon kay Herbie, “Ma’am thank you po.”
“Walang anuman,” sabi naman ni Vice.
Dagdag pa ni Herbie, “Napakalaking oportunidad po ang nangyaring ito bukod pa sa gusto kong makasali rito at manalo, pinaka-number one pong sadya ko rito ay personal kong magpasalamat sa inyo (tumulo na ang luha).”
Teary eyed na rin si Vice at tinanong siya ni Jhong Hilario, “Ano bang itinulong mo sa kanya?”
“Kasi ‘yung..tama ba? Hindi ko na kasi matandaan. Pinaalala lang nila (staff) sa akin tapos sabi ng staff ko, tatlo palang anak niya pinag-aaral ko, scholar ko raw. Hindi ko kasi kilala ‘yung mga nasa scholarship ko hindi ko sila mini-meet kasi ayaw kong ma-attach.
“So tatlo do’n sa anak mo, monthly binibigyan namin ng allowance para matuloy ‘yung pag-aaral. Tapos matatalino raw po ‘yung anak n’yo (sabay baling kay Herbie) kasi pinapasa sa amin ang grades, matataas kaya hindi nakakahinayang na nag-e-extend kami ng suporta sa inyo,” kuwento ni Vice.
“Opo (matataas ang grades) salamat,” sambit ni Herbie.
Pagpapatuloy pa ni Vice, “Kasi meron kaming deal na may certain grade na kailangan i-maintain mo ‘to kasi di ba, maraming nangangailangan din ng support ng tulong. So kung hindi mo mami-maintain babawiin ‘yung support, sadly, pero ‘yung mga anak niya (sabay tingin kay Herbie) pag nagpapadala ng grades, matataas ‘yung grades.”
Natanong ni Jhong kung hanggang sa grumadweyt ng kolehiyo ang pagtulong ng TV host, “Oo, ‘yung iba naman pa-graduate na nu’ng nakilala namin. ‘Yung iba naman grade school palang.”
Tanong ni Vice kay Herbie, “Ano po ba ‘yung tinutulungan namin, high school?
“Ngayon po, 3rd year college na po ‘yung panganay ko, ‘yung sumunod po, first year college at tapos ‘yung bunso po, grade 7,” sagot ng TNT contestant.
“Pakisabi po sa mga anak n’yo husayan po nila hangga’t kaya kop o, ah,” bilin ni Vice para sa mga anak ni Herbie.
“Sabi ko nga po sa kanila pagbutihin nila para hindi nakakahiya kay ma’am Vice. Kaya lalo nilang ginagalingan. Na-obserbahan ko naman po habang tumatagal, tumataas mga grades nila,” kuwento ng proud tatay ng tatlong iskolar ng komedyante.
“Naiyak naman ako ro’n, natuwa ako sa sarili ko ngayon,” nangingilid ang luha pero nakangiting sabi ni Vice.
Say naman ni Jhong, “Ang sarap nga no’n kasi akala ng iba, ‘ay nagpapatawa lang si Vice, pero hindi alam ng mga tao na marami siyang tinutulungan na hindi niya kailangang mag-ingay ang sarap-sarap no’n na, “Vice heto na po ako, ‘yung tinulungan mo, lawyer nap o ako ngayon di ba? Ang sarap pakinggan.”
“Marami nga ako ganyang na-encounter tapos hindi ko talaga maalala. Kaya minsan nahihiya ako baka akala nila sinusupladahan ko sila kasi hindi ko sila talaga kilala personally, hindi rin ako nakikipag-usap kasi ayaw ko ng attachment. Staff ko lang ang nakakausap nila,” paliwanag ni Vice.
Hayan, sa bashers ni Vice, ano ang masasabi ninyo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.