Kris join na rin sa Tinder: Jojowain o totropahin n’yo ba ko?
HUWAG na kayong magtaka o ma-shock kung makikita n’yo ang mukha at profile ni Kris Aquino sa sikat na dating app na Tinder.
Ito ang ibinalita ng Queen of All Media sa kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng Instagram na mababasa rin sa kanyang official Facebook page.
May konek ang Tinder paandar ng TV host-actress sa isa niyang endorsement. Pero agad niyang sinabi na bago siya pumayag mag-Tinder ay nagpaalam muna siya kay Bimby.
Bahagi pa rin ito ng 50th birthday celebration ni Kris sa Feb. 14 kaya super excited na siya na muling humarap sa publiko kahit sa pamamagitan lamang ng digital platform.
“On February 12, that’s Friday at 7 PM I’m going LIVE for people I really love. You can watch me via their FB page or you can watch on my FB page,” ani Kris na ang tinutukoy ay ang online shopping app na ine-endorse niya.
“Bago kayo mag react, uunahan ko na, hindi ko kayang mag NO, the event is co-sponsored by #TINDER. I asked bimb’s permission & he said – sure mama, you have my blessings (iba na talaga ang mundo).
“So on Friday when I create my profile, jojowain o totropahin nyo ba ko? Ready to swipe right?” sey pa ni Tetay.
Samantala, nabanggit din ni Kris na gumawa siya ng “individualized” greetings para sa mga bago niyang “friends” bilang pasasalamat sa suporta at pagmamahal ng mga ito.
“Last Friday I did special individualized greetings for 200 people. Yesterday for 11 hours, I finished the next 200 … no spoilers.
“New friends of mine reached out through my nephew @jiggycruz, I liked what they wanted to do to make people they are grateful to feel that they are willing to go the extra mile to show them they are appreciated & they’ll do their BEST to keep their relationship STRONG,” sey ng award-winning TV host.
Na-realize rin daw ng mommy nina Joshua at Bimby na ang kanyang kaarawan ay hindi lamang tungkol sa kanya kundi maging sa mga taong nasa paligid niya na walang sawang nakasuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.
“Yes, I’ve really grown up – those video greetings will be sent out on Valentine’s Day, my birthday- but I finally realized life isn’t about me – it’s about the unique gift I’ve been given, I know how to connect, start a conversation, and be interested in the lives of others.
“Yes, I do talk a lot- but the difference is- I also know how to listen. And in 2021, that’s what we all need- someone who will reach out, show we are significant, we are worth the time & the effort to FEEL that even during uncertain times, they believe we’re special and they actually did something about it.
“Yes there’s a saying actions speak louder than words – but this time I put their words into action,” paniniguro ni Kris.
Sa huling bahagi ng kanyang post, hiniling din niya sa fans na ipagdasal siya na maging okay na okay na ang boses niya matapos itong mawala nitong mga nakaraang araw.
Nagpakonsulta na rin daw siya sa isang throat specialist, “Bago mangyari yan – pray with me??? sorry @shopee_ph, forever kayong victim- ZERO as in NAUBOS ang boses ko. Consulted with my throat specialist & no choice, low dose steroids na para kayanin ang Friday,” pahayag pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.