Regine sa mga hindi naniniwala sa COVID: Pero pag nangyari sa inyo, doon mo lang masasabi na totoo talaga
ILANG araw pang sasailalim sa home quarantine ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos ma-expose sa taong may COVID-19.
Ito ang dahilan kung bakit kinansela muna ng ABS-CBN Events ang digital Valentine concert niya na nakatakda sana sa darating na Feb. 14, ang “Freedom.”
Ayon kay Regine, okay naman daw ang pakiramdam niya pati na ng kanyang asawang si Ogie Alcasid at anak na si Nate.
“I’ve been preparing for this for weeks and so excited to finally be performing for all of you. Hay!!!!! Pero wag magalala definitely matutuloy to no sayang naman pagbabalik alindog ko no.
“So please bear with us we will announce the concert date as soon as possible. Now as far as my heath I’m doing fine so is my family. Safety first para aming lahat na kasama sa #freedom,” bahagi ng post ni Regine sa Instagram.
Ito naman ang mensahe niya sa lahat ng fans na ibinahagi niya sa Twitter, “Sayang ‘yung date natin ‘no? I was sooooo looking forward to it pa naman.
But don’t worry I’m ok. Maga lang face ko coz I’ve been crying. But like I said God has a plan and His plans are always better. Stay safe guys.”
Bago ang pagkansela pansamantala sa V-day concert ng Songbird, nag-guest pa siya sa “Magandang Buhay” para mag-promote at dito nga niya naikuwento ang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanyang pamilya last year habang nasa kasagsagan ng lockdown ang bansa dulot ng pandemya.
Inalala ni Regine ang pagpanaw ng ama ni Ogie Alcasid na si Herminio Alcasid Sr. noong Setyembre, “Medyo lost kami noon. Kasi biruin mo ilang buwan ‘yon na okay siya. Kasi they were just in the house and then suddenly he went out one time and then that was it.”
Patuloy pa niya, “Ogie saw him March last year. That was the last time he saw him. And then when he passed away, wala na; nung nagkasakit, wala na as in hindi na niya nakita at all.”
Mensahe naman ng OPM icon sa publiko, “I know that there are some people who don’t believe na totoo ang COVID. I suppose some of the people would say that kasi hindi pa nila na-experience first hand, alam mo yon?
“Minsan kasi may mga bagay na hindi natin papaniwalaan only because hindi natin na-experience first hand. Pero kapag nangyari sa inyo, doon mo lang masasabi na totoo talaga.
“Sa akin although medyo open tayo ngayon, still be safe out there. Hugas ng kamay, magsuot ng face shield, ng mask o kung ano ang puwede niyong gawin.
“Mag-vitamins. Alam niyo ako hindi ako nagba-vitamins nu’ng kabataan ko pero ngayon as in religiously I take my vitamins talaga. Exercise will help also and have fresh air,” lahad ng Songbird.
Dagdag pa niyang paalala, “Alway remember ingat lang. Protect yourself and your family as well.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.